Chapter: The Bad Boy
Keshin's POV
Hinila ko si Verinice palabas at hinagilap ko ang lalaking may masamang ugali. Wala siyang karapatang manakit ng damdamin ng iba.
Naglalakad kami ng makita namin siya sa malapit na library.
"Hoy! Sino ka ba para saktan ang babaeng 'to?" *Slap* Sinalubong ko siya ng sampal. Tanong ko sa lalaking mayabang at ubod ng hangin. Siguradong hindi ka pagpapawisan kapag kasama mo siya dahil sa sobrang kahanginan niya, liliparin ka na.
"Ha? Anong sinaktan? Hindi ko nga siya kilala eh" Pagmamaang-maangan niya. Tumingin siya sa akin habang hawak-hawak pa rin ng kabilang kamay niya ang kanyang namumulang pisngi.
"Ano? Pagkatapos mong saktan ang puso niya at paglaruan, tapos ngayon? Kakalimutan mo na lang siya ng basta-basta? Ang galing mo ring umarte a'no?" Inis kong sabi. Bakit ba ang dali na lang nila makalimot pagkatapos ng Break Up?
"M-miss Evidente, Sa totoo lang hindi po talaga namin siya kilala!" Pakikisabat ng babaeng lagi niyang kasama.
"You should shut up your mouth! Hindi kita kinakausap. Ikaw ang dahilan kung bakit nasaktan ang puso ng babaeng 'to! Matapos ng lahat basta basta niyo na lang siyang kakalimutan? Mga traydor!" Mukhang nagulat yung babae at nagkatinginan sila sa isa't isa. Hinahawakan ni Verinice ang aking braso para pigilan ako.
"Tama na. Hindi mo na kailangan palakihin pa ang issue na yan!" Pagpipigil sa akin ni Verinice kaya naman ay nilingon ko siya
"Hindi pwede. Ano? Ganun na lang ? Kakalimutan ka niya na parang basura lang? Hindi pwede yun. Dahil kung basura ang tingin nila sayo, Poso Negro naman ang tingin ko sa kanila. Madumi na sila, Kasing baho pa ng ugali nila!" Napakamot siya sa batok.
"Oh. sige, Ikaw na ang bahala. Ikaw naman ang nakaisip eh" Cool niya lang na sinabi na para bang walang nangyari.
"Ano? Are you okay? Ikaw na'tong nasaktan tapos para sayo bali wala lang?"
"Eh kasi.... Basta!" Nagdadalawang isip niyang sabi
Hinarap ko ulit si Albie. Nakatitig lang siya sa akin ng masama. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilaang kwelyo niya. Nakapamulsa lang siya at cool na cool lang sa pangyayari.
"Just because you're good looking, it doesnt mean that you can play with peoples feeling. Sa oras na malaman kong may sinaktan ka pang iba, mananagot ka sa akin. "At tsaka ko siya binitawan. Sasakalin ko na sana siya eh.
"Tsk. Haaah!" Nadinig kong bahagya siyang natawa
Hinila ko ulit si Verinice papalayo sa kanila. Nakakainis kasi kapag nag-stay pa ako dun. Baka sumabog lang ako sa galit.
"Ha-ha. Iba ka rin ano? Hindi ka pa rin nagbabago!" Natatawa pang sabi niya sa akin. Sa ngayon parang natutuwa na siya sa mga nangyari. Siguro dahil sa naiganti ko na siya sa lalaking yun.
"Ha? Anong hindi nagbabago?At tsaka kung makatawa ka akala mo walang dilubyo ang nangyari sa buhay mo. How so pathetic." Nagtataka kong tanong sa kanya
"Wala ka pa ring pinagbago dahil gaya ka pa rin ng dati na tanga pa rin pagdating sa pag-ibig" Sabi niya
"Paano naman ako naging tanga sa pag-ibig? Ikaw lang kaya ang mukhang tanga sa ating dalawa. Ikaw na nga 'tong nabiktima so ako pa itong naging tanga?" pagtataka ko sa sinabi niya
"Well, I will congratulate you!"
"For what?"
"For being good actress. That was great. I like your acting skills, Magkano ba ang TF mo?" Nagulat ako sa sinabi niya
BINABASA MO ANG
21 Steps to Get Your CRUSH
Romance[21 Steps to Get Your CRUSH] Alam naman natin na ang bawat isa satin ay may bawat isang Crush. Sabi nga nila "Crush is Paghanga" kaya kung crush lang, Crush lang walang involve na pagmamahal kasi masasaktan ka lang. What if gumawa ka ng mga hakbang...