Kabanata I: Wakas

5.2K 121 87
                                    

Kabanata I: Wakas

═ ══════ † ══════ ═

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

═ ══════ † ══════ ═

Ang kamatayan ay hindi ang wakas ng buhay;

Ito ang simula ng walang hanggang paglalakbay.

~Debasish Mridha~

═ ══════ † ══════ ═

Ito ay kuwento ng isang binata na ang pangalan ay Rowan, at nagsimula ang kaniyang kuwento sa katapusan. Ang totoo, ang istoryang ito ay hindi lamang tungkol sa kaniya, ngunit nagsimula ang lahat sa araw kung saan nagtapos ang mga huling sandali ng buhay niya sa isang 'di maipaliwanag na dahilan. At kung paano iyon nangyari? Wala ring nakakaalam. Matapos siyang lamunin ng buo ng isang kakaiba at nakakasilaw na liwanag ay bigla na lang siyang nagising sa gitna ng isang malawak na lupain na napapalibutan ng mga puting bulaklak.

Mga liryo.

Literal na nakahiga si Rowan sa kumpol ng mga puting liryo. Nakapalibot sa kaniya ang mga ito na parang mga bantay, habang ang mga nagkikiskisan nitong mga dahon, sanga at mga bulaklak ay tila umaawit upang ihele ang kaniyang kaluluwa. Pakiramdam tuloy ng binata ay nasa langit siya nang dahil sa mga bulaklak. Binigyan siya nito ng pakiramdam na iba sa karaniwan, tulad ng kung ano ang pakiramdam ng isang tao kapag ito'y nananaginip.

Subalit...

Huh?

Unti-unti ay napansin ng binata ang malaking kaibahan ng inakala niyang panaginip sa natural na anyo ng realidad. Natauhan siya, at walang anu-ano'y bumangon siya. Mabilis niyang iginala ang kaniyang tingin at hinaplos ang mga bulaklak at damo na sa tabi niya.

H—hindi ito...isang panaginip?

Tama. Hindi nga 'yon isang panaginip.

Totoo ang mga bulaklak, ganoon din ang mga damo. Ramdam niya ang banayad na hampas ng hangin na mas sariwa at manamis-namis ang amoy kumpara sa pangkaraniwang simoy nito. Subalit ang anyo ng langit ay hindi tulad ng nakasanayan niyang makita. Para iyong isang malaking tabing ng hamog na nagpapalit ng kulay. Mula sa pula ay nagiging bughaw, tapos ay nagiging berde at pagdaka'y nagiging dilaw. Gusto niyang mamangha, pero mas lamang ang pagkalito niya sa mga bagay na kasalukuyang nasa paligid niya.

Mga tatlo o apat na beses na kinusot ni Rowan ang kaniyang mga mata. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim habang sinusubukan niyang sagutin ang tatlong tanong sa kaniyang isipan:

Una, nasaan siya?

Pangalawa, bakit mag-isa lang siya?

At pangatlo...

Rowan's OdysseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon