Kabanata XIV: Simula

798 40 8
                                    

Kabanata XIV: Simula

Kabanata XIV: Simula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


═ ══════ † ══════ ═
Darating ang oras na maniniwala kang tapos na ang lahat.
Iyon ang magiging simula

~ Louis L'Amor ~
═ ══════ † ══════ ═

"Papatayin kita, Jack!"

Namilog ng husto ang mga mata ni Jack matapos siyang atakihin mula sa likod ng binatang si Rowan na sa mga oras na iyon ay isa ng ganap na mapaghiganting kaluluwa.

"R-Rowan..."

Lalo pang ibinaon ni Rowan ang kaniyang kamay sa katawan ni Jack at hinayaan niya ang kadiliman na nakabalot sa kaniya buong katawan na kainin ang lalaking sinusubukan siyang iligtas.

"P-pakiusap, gumising ka!"

Mabuti na lang at may dumating ang tulong kay Jack. Isang grupo ng mga itim na ibon ang nagpakita sa eksena at pagkatapos ay mabilis na lumipad ang mga ito para tangayin si Jack at ilayo mula sa nag-aamok na si Rowan.

"Oh, ano? Ayos ka lang ba, Jack?"

"S-Sluagh?"

Matapos tangayin ng mga itim na ibon si Jack ay nagsama-sama't nagbagong-anyo ang mga ito hanggang sa maging kamukha ito ni Sluagh.

"Ang akala ko'y hindi na kita aabutang buhay eh. Ipagtitirik na sana kita ng kandila."

Napaismid ng bahagya si Jack habang hawak niya ang kaniyang sikmura na napinsala mula sa ginawang pag-atake ni Rowan.

"Ano ka ba, ang masamang damo, mahirap mamatay."

Subalit naputol ang kumustahan nina Jack at Sluagh ng biglang kumapal ang madilim na ulap na nakapaligid sa kanila. Mas tumitindi ang lakas ng hangin at mas nagwala pa ang naglalakihang mga alon sa dagat. Lubhang nakakaalarma ang masamang enerhiya na nasa paligid, isang hudyat na kinakailangan na ni Zephiel na tapusin ang kaniyang misyon sa lalong madaling panahon bago pa kumalat ang masamang enerhiya sa kalupaan at magdulot pa ng mas malaking pinsala sa mundo ng mga buhay.

Mapipilitan akong gamitin sa kaniya ito.

Itinaas ni Zephiel ang kaniyang espada at itinutok niya ito sa kalangitan. Biglang nahawi ang mga ulap at tumutok sa espadang hawak niya ang isang gintong liwanag. Walang anu-ano'y nagbagong anyo ang sandata ni Zephiel, mula sa pagiging espada'y naging pana't palaso ang hawak niyang armas.

"Tatapusin ko na ito sa isang tira lang."

Hindi na nag-alinlanhan pa si Zephiel at agad niyang inunat ang palaso mula sa bagting ng hawak niyang pana at itinutok niya ito sa nag-aamok na si Rowan. Subalit muli na namang humadlang si Jack at walang takot nitong hinarang si Zephiel kahit nakaamba ang palaso nito sa kaniya.

Rowan's OdysseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon