Kabanata XIII: Pagkamuhi

558 37 2
                                    

Kabanata XIII: Pagkamuhi

═ ══════ † ══════ ═
Mula sa pinakamalalim na pagnanasa'y madalas na nagmumula ang pinaka nakamamatay na galit.

~ Socrates ~

═ ══════ † ══════ ═

"Oras na para umalis kami"

Binitbit na ni Allan ang mga gamit nila ni Fiann para sumakay sa papaalis na tren. Pagkatapos nilang maisakay ang mga gamit ay pormal na silang nagpaalam sa binatilyong si Lorcan na siyang naghatid sa kanila sa estasyon ng Connolly sa Dublin.

"Aalis na kami. Maraming salamat sa iyo, Lorcan."

"Wala 'yon." Sagot ni Lorcan. "Mag-iingat kayo sa biyahe. Lalo ka na, Fiann."

"Oo. Maraming salamat sa lahat-lahat, Lorcan."

Pagkatapos ng maikling pamamaalam ay sumakay na ang dalawa sa tren. Pumuwesto si Fiann sa tabi ng bintana habang si Allan naman ay umupo katabi niya. Kahit papaano'y nababawasan ang pag-aalala ni Fiann tungkol sa nawawala niyang kapatid dahil sa tanawing nakikita niya sa labas. Ngunit hindi parin sapat ang mga iyon para tuluyang mawala sa mukha niya ang pagkabalisa.

"Ayos ka lang ba, Fiann?"

Pumihit ang tingin ni Fiann sa nagtanong na si Allan.

"Ah, ayos lang ako, Kuya. Huwag kang mag-alala."

Sinabi iyon ni Fiann para hindi mag-alala sa kaniya si Allan. Ngunit ang totoo, kanina pa siya hindi mapakali na para bang may hindi magandang mangyayari sa gagawin nilang paghahanap.

Isang masamang kutob.

Kuya Rowan, nasaan ka na ba?

------

"Narito siya."

Itinuro ni Sluagh kay Jack ang posibleng lokasyon ng nawawalang si Rowan base sa inilabas nitong espesyal na mapa. May kakayahan 'di umano ang mapa na matunton ang isang ligaw na kaluluwa sa pamamagitan lamang ng awra nito. Subalit duda si Jack sa resulta ng ginawang paghahanap ni Sluagh dahil pawala-wala sa mapa ang nasasagap na awra ni Rowan at nag-iiba rin ang kulay nito sa mapa.

"Sigurado ka ba na si Rowan 'yan?"

Sumingkit ng bahagya ang mga mata ni Sluagh at pagdaka'y tinaasan niya ng isang kilay si Jack.

"Anong gusto mo? Ituloy ko ang paghahanap o hindi na? Wala ka yatang tiwala sa akin eh! Madali akong kausap!"

"Ano ka ba, nagbibiro lang ako." Agad na binawi ni Jack ang mga sinabi niya at muling nagwika. "Nagtataka lang ako kung bakit pawala-wala sa mapa ang nasasagap na awra mula kay Rowan. At saka bakit iba ang kulay ng awra niya d'yan? Sigurado ako na hindi gan'yan ang kulay ng awra niya."

"Isa lang ang ibig sabihin n'yan..." At tinitigan ni Sluagh ng seryoso si Jack. "May hindi magandang nangyayari sa bata."

"Anong ibig mong sabihin?"

At naglabas ng isang itim na kandila si Sluagh. Sinindihan niya ito at itinapat sa awra na nasasagap ng kaniyang mapa. Ngunit imbis na kulay dilaw na apoy, kulay itim na apoy ang nilikha ng nasabing kandila, indikasyon na may hindi magandang nagaganap sa kaluluwa ni Rowan.

"Narinig mo na siguro ang tinatawag nilang mapaghiganting kaluluwa, hindi ba?"

"Oo." Sagot ni Jack.

"Alam mo naman ang trabaho ko. Pagnanakaw ng mga kaluluwa ang trabaho ko sa mundo ng mga tao. Pero may isang uri ng kaluluwa na hindi namin maaaring nakawin, mga kaluluwa na balot ng matinding pagkamuhi."

Rowan's OdysseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon