fake love ; prologue

498 3 6
                                    

Jin Monteverde.

Rinig na rinig ko mula sa kusina ng dorm namin ang sigawan ng mga members. Hindi naman sa pipigilan ko sila dahil madalas na maingay din ako, pero hindi ako makapagconcentrate. Patapos na din naman yung niluluto kong buffalo wings, tapos ay makikita ko na rin kung ano yung pinapanood nila. Nacucurious kasi ako, bakit sila masaya sobra?

Nagtitilian pa sila na parang mga babae. Hindi ko alam kung napapano na sila.

Nung matapos na ako sa pagluluto ay pinatay ko na yung stove tapos ay isinalin yung wings sa isang malaking bowl kung saan share share nalang kami. We were used to it, anyway, at hindi naman sila magrereklamo siguro dahil ipinagluto ko na nga sila.

Dinala ko na yung bowl, with a light step. Dahan dahan din akong naglakad past the hallway, dahil gusto ko na makita kung ano yung pinagkakatilian nila. Halos kakadebut lang din naman namin kaya hindi siguro masama kung may pinagkakaguluhan sila na nakita kami sa tv o malay ko sa kanila.

Nang makarating naman na ako sa likod ng couch ay nagulat ako dahil sa nakita ko. Nanonood sila ng Kdrama, tapos ay tili sila ng tili habang hinahawakan yung screen.

"Ang ingay niyo naman, mabuti nalang hindi ko sinunog yung  pagkain para parusa niyo," sabi ko, tapos ay sabay sabay sila na lumingon.

Si Yoongi, nakaupo lang siya na kalma sa couch tapos ay nakakabit ang headphones. Si Jhope, nakaupo sa floor at malapit sa tv. Si Namjoon naman, nakaupo sa couch pero nakaharap siya sa tv and tumititig lang dun. Si Jimin naman, nasa may harapan ng tv kasama si V, at si Jungkook ay nasa likod nila Jimin pero nanonood din.

Tinignan ko kung ano yung scene na meron sa pinapanood nila. Nanlaki naman ang mga mata ko when I saw that it was a traditional na drama, tapos ay ang pinapakitang scene ay kung paano yung crown prince ay pinipilit na hwag pansinin yung crown princess.

Dahan dahan naman akong umupo at inilapag sa may coffee table yung buffalo wings at nakinuod dahil mukha namang interesting yung pinapalabas.

"Anong title niyan? Bakit kayo nagtititili?" Tanong ko, tapos ay humarap naman sa akin si Jimin.

"Ice Prince. Hindi mo ba nakikita? Ang ganda ng chemistry nila! Ang ganda ganda pa nung crown princess, oh?" Sabi ni Jimin, tapos ay kumunot naman yung noo ko sabay na tinignan yung pinapanuod nila.

Kumuha naman ako ng dalawang buffalo wings and started eating it dahil nagugutom na ako at ayaw ko silang hintayin na. Malamang ay naglalaway pa sila sa pinapanuod nila.

Pinagmasdan ko at hinintay ko naman na magzoom in sa babae, yung crown princess, at nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Hindi ako makapagsalita. She was really pretty. Bagay na bagay sa kanya ang titulong crown princess. She looked really beautiful sa traditional clothing niya, lalo na at pang crown princess yung outfit niya. What was her name again?

"Hyung, you're drooling," bulong ni Namjoon, kaya naman ay sumimangot ako at agad na pinunasan yung mga labi ko in case, at nanlaki ang mga mata ko. I was drooling.

Lahat naman sila ay napatingin sa akin, at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko, at nagtawanan sila. I was telling them not to, kaso nga lang ay hindi sila tumitigil.

Bigla namang tumayo si Jimin, tapos ay may kinuha sa ilalim ng coffee table.

"Hayaan na natin siya na mainlove kay Hanjin Lee. Here, some useful facts," sabi ni Jimin, at naglinya pa sila sa pagpunta sa stairs.

Hindi ako makapagsalita kahit na gaano ko kagusto sabihin sa kanila na hindi ko to kailangan, but my heart was telling me na basahin ko.

Hindi naman masama na magkaroon ng celebrity crush, di ba?

Binuklat ko yung stapled na files, tapos ay tumingin sa paligid ko in case na may nakakakita sa akin. Nakakahiya yun.

Name: Hanjin Lee
Occupation: model/actress
Likes:
- food
- acting
- modelling
- nature
Dislikes:
- tea
- being late
Ideal type:
- someone who can cook and take care of her
- appearance really doesn't matter
- she prefers someone from the celebrities because she knows that they will understand her schedule better than anyone
- should be loving and affectionate just like she is

Isinara ko yung facts book, and dahan dahan na isinuyod yung kamay ko sa buhok ko tulad ng palaging ginagawa ni Jimin. I then breathed out heavily, tapos ay inilapag yung facts book sa coffee table.

"Jin, Hanjin. Ang sarap pakinggan. Isa pa, I am worldwide handsome. Bagay kami," I said, smiling at my reflection on the now turned off tv.

Sana nga.

Hanjin Lee

"Miss Hanjin! Ang ganda po ng newest drama niyo!" Sabi nung manager ko, and I smiled at her habang I was sipping my coffee na inorder ko palang kanina.

Sa totoo lang, nasusuffocate na ako sa buhay ko ngayon. Although I reached my dreams, I don't even know now kung sino ba ang totoong tao sa akin. Hindi ko na alam kung sino yung totoo yung ipinapakita sa akin. I'm even scared to love, and my last lover has broken me because of something I'd rather not talk about. And I think na hindi na ako magkakalove life. Sa sitwasyon ko, as Nation's Crown Princess? No, thanks. I'm already suffocated at ayaw kong may madamay pa, or mandamay.

"Thank you." I said, tapos ay biglang nagvibrate yung phone ko so I checked it. Isang tweet.

shipper:
is it just me or is that hanjin lee's latest drama that bangtan is watching? i mean look at jin drooling.
2543 likes | 1763 retweets
load more replies...

@shippy: omo OmO oMo

@hathate: lol y would he

@support: let's support it no matter what

@kpoppredictions: ooh.

@fishy: ^ do u smell something fishy or is it just me?

Napataas naman ang mga kilay ko sa nakita ko. What were the people talking about? Baka mamaya ay pagpyestahan nanaman kami ng media.

Although I am an actress and a model, I hate and love cameras at the same time.

But I think I have a plan. A revenge plan. I feel so great.

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now