fake love ; thirteen - never

23 0 0
                                    

Kakatapos ng taping namin para ngayong araw, and I was wondering where to go. Wala naman akong ibang schedule na ngayon, at maagang natapos ang taping kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Pinag-iisipan ko din if I will confront Jin and ask him kung itigil na ba namin yung fake relationship namin dahil wala na ring nangyayari and hindi na pinag-uusapan, kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Nasa labas na ako ng building and I lied to Manager Kim na may pupuntahan kami ni Jin ngayon pero gusto ko lang talagang tumakas sakaling may ipagawa pa siya sa akin ulit. Bigla naman na may tumigil na sasakyan sa harapan ko kaya ay napatigil din ako. Hindi ko yun kilala, kaya naman kinabahan ako dahil baka mamaya ay may masama palang balak or... no. History won't repeat itself. I won't let it happen.

Bumukas yung pinto ng van na tumigil sa harapan ko and I was relieved when I saw that it was Jungkook na lumabas sa van with his smiling face although mukha siyang kinakabahan. Mag-isa lang din kasi niya and I was told about how he was towards females. Ewan ko lang kung hanggang ngayon ay ganoon siya.

"Hey, noona," sabi ni Jungkook, and I looked at him and smiled as I waved.

"Hey, Kook. What brings you here?" I asked, at nagkamot naman siya ng ulo and cleared his throat.

"Er, kasi... nandun daw sa dorm lahat ng girls and girlfriends ng mga may girlfriend. Kaya naisipan ko na sunduin ka na din after I went to the convenience store to get my banana milk. Do you wanna come with me?" Sabi ni Jungkook, and I smiled.

"Nandun ba si Jin? Teka, malamang, Hanjin. Nandun nga si Jin," sabi ko, and he chuckled at what I said and leaned against the cardoor.

"Yep. Pansin ko lang, noona. May problema ba kayo? Bakit hindi kayo nagkikita?" Sabi ni Jungkook, and natigilan naman ako.

May problema ba?

"Ah? Wala naman. Hindi lang kami nakakapag usap na," sabi ko, at tumango naman siya and opened the door to the passenger side.

"So, are you coming, noona?" Sabi ni Jungkook, at pinag isipan ko naman.

Hindi naman siguro masama kung sumama ako, di ba? Bukod dun, pinakilala naman na ako sa Bangtan and sabi niya na nandun daw yung Dreamcatchers because wala naman silang ibang tinutukoy na girls kaoag sinabi nilang girls.

"Sure," sabi ko, at tumango naman si Jungkook and opened the door wider.

Pumasok na ako sa passenger side, and then he closed the door. Habang sinusuot ko yung seatbelt ay nakapasok naman na siya sa driver's side and nagsuot na din ng seatbelt niya. May mga inadjust pa siya, and then gave me a thumbs up nang matapos na siya at nagdrive na.

Nag uumpisa na sa pagdilim kaya naman ay I enjoyed watching the sky change its colour. From the orange-y pinky sky ay nagturn na siya sa bluish na dark at nag umpisa na sa pagkislap yung mga stars. It looked pretty, and I promised myself one thing. Once I go on holiday, lilibutin ko ang kung saan saan and then dun ako sa kitang kita ang beauty ng nature.

I remember nung a few months bago mamatay si Minhyun, we used to take roadtrips in the middle of the night dahil parehas namin na gustong nakikita ang nature sa gabi. Meron pang time nun na itinigil niya yung kotse sa may madilim at magubat na part, and then we were stargazing the next few hours, the light of the moon and the stars the only ones illuminating us.

Namimiss ko na yung pagpunta sa nature sa gitna ng dilim. Namimiss ko na yung manood ng pagkislap ng mga bituin sa itaas ng kotse at marinig yung tunog ng mga dumadaan na sasakyan sa di kalayuan.

Bigla namang nagsalita si Jungkook kaya napatingin ako sa kanya.

"We're here, noona. Pagbubuksan na kita ng door," sabi ni Jungkook, and I bowed as a thanks tapos ay inalis na yung seatbelt ko.

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now