fake love ; six - bangtan

44 1 0
                                    

Pagdating ng ilang araw, pinayagan na din ako na magtaping dahil magaling na din naman na ako. Lagi ko namang kasama si Jongsuk, but Jin and I haven't talked all throughout those days matapos na mapublish ng dispatch yung tungkol sa rumour nila sa amin.

Napapaisip naman ako, paano kapag ayaw na pala ni Jin? Pwede naman niyang sabihin sa akin. Hindi ko naman to itutuloy kung ako lang yung may gusto dahil ayaw ko na gumagamit ng tao.

On break kami ngayon sa taping, at kumakain lang saglit. Kasama ko ulit si Jongsuk, and he was eating his Subway as if it was the best thing on earth.

"Akala ko ba dating kayo ni Jin? Bakit hindi ka nanaman nakikipag usap sa kanya?" Sabi ni Jongsuk bigla, kaya naman ay nasira ang katahimikan ko and looked at him straight in the eye.

"Ewan ko. Hindi niya ako chinachat and hindi ko rin siya chinachat. We don't know what to do next. Hindi ko talaga alam kung ano yung tamang gagawin ko," sabi ko, and he sighed tapos pinagpag ang kamay. Nagulat naman ako kasi tapos na pala niya yung hotdog sandwich niya. Ang bilis.

"Parang ewan. Magsearch ka kaya sa internet ng pwedeng gawin? Ang daming pwedeng gawin sa mundo, pinoproblema mo," sabi niya, and I pouted.

"Edi magsuggest ka kaya, di ba? Nangangapa nga lang ako, oh? Kita mong halos isang dekada akong walang ano tapos inaano mo ako," sabi ko, and he pouted as well.

"Sabagay. Kung ako naman papipiliin, I think it should be cool if you would meet his members. Kung hindi mo pa naman nameet. Mas magmumukhang katotohanan," sabi niya, and I slapped his arm sa last sentence niya.

"Baka may makarinig! Para kang ano," sabi ko, and he chuckled.

"Tayo lang naman nandito. Pero try suggesting that," sabi niya, and I tilted my head sidewards.

Kapag sinabi ko kay Jin yun, baka mamaya magmukha naman akong baliw sa kanya. Baka mamaya isipin niya na totoong gusto ko siya kahit na hindi naman. Nung isang araw nga lang nakakita pa ako ng mga edits online ng pictures namin.

May mga nagsesend din ng DMs sa akin at sinasabi na ship daw nila kami ni Jin at hindi ko naman alam kung paano ko sila kakausapin.

"Nalutang o," sabi ni Jongsuk, at nagising naman ako sa katotohanan.

"Huh?" I asked, and he laughed.

"Nalulutang ka. Tara na. Tinatawag na tayo. Andami pa nating scenes with each other," sabi ni Jongsuk at napatayo naman ako.

Naglakad na kami papunta dun sa may pwesto kung saan kami pinapatawag nung director, at sinabi na sa amin kung anong scene yung gagawin namin.

Hindi ko mapigilan na mapatingin sa paligid ko dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero basta ay kinakabahan lang ako.

Nung matapos na sa pagsabi sa amin ng scene namin ay agad naman kami na nagpunta sa designated places namin. May mga kasama din kaming ibang actors sa scene na to dahil yung scene ay magpupunta kami sa college party pero kaunti lang kami na inimbitahan.

"Action!" Sabi nung director, and huminga naman ako ng malalim and linked my arms with Shinhye, dahil siya yung kasama ko dito sa scene.

"Bakit ba ayaw mong sumama? Wala namang masama? Tayo tayo lang din naman," sabi ni Marie, and I shook my head as I looked at her.

"Nasa loob si Casper. Nasa loob siya. Hindi ko siya kayang harapin," sabi ko, and hinawakan naman ni Marie yung kamay ko.

"You know, hindi mo kailangan magpaapekto sa kanya. Sabi mo nga, wala na siyang epekto sayo, di ba?" Sabi ni Marie, and I took a deep breath saka tumango.

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now