Nakaupo ako at nasa bahay lang kasama yung girls habang naghihintay ng show na aattend-an ng Bangtan. Nandito kami ngayon sa bed ko and nakaturn on yung tv ko dito. Competition show yun kaso hindi pa namin alam kung sino yung mga kasali sa competition. Basta live daw yung show and nagpunta sila (yung girls) dito para sabay sabay nalang daw kaming manuod.
Nandito rin sina Chisae, Talia at Hana dahil basta gusto din daw nila manuod. Sa aming lahat, si Chisae lang talaga yung single, e.
"Omo, ayan na!" Sabi ni Marione, at nalipat naman yung atensyon namin sa pinapanood namin.
Yung show pala is entitled Idols, Go! kung saan maglalaban laban yung idols.
"Wait, sinong kalaban nila?" Sabi ni Margaux, and sabay naman na nagfocus na yung camera sa iba pang groups na kakalabanin nila.
"iKON, EXO, Got7? They better get it," sabi ni Charlene, and we chuckled.
"Kaya nila yan. Sila pa. Although nandyan si Bobby. Kalakas kaya nun," sabi ni Chisae, at nagtaka naman kami at tinignan siya.
"Pano mo alam?" Tanong ni Talia, and tumawa naman siya.
"Hala. Kaibigan ko yan," sabi ni Chisae, and we nodded.
"Baka mamaya, demonyohin lang sila ni V, matalo sila," sabi ni Marione, causing us to laugh.
"Ayan, mag uumpisa na," sabi ni Margaux, kaya naman nagfocus na kami dun sa pinapanood namin.
"Welcome to... Idols, Go! Ang maglalaban laban ngayon ay iKON, EXO, Got7, at Bangtan! Sinong boto ninyo?" Sabi nung nasa pinapanood namin, and then nagwave naman sa camera yung idols.
"Ang mechanics ng game ay magkakaroon ng competitions and bawat stage ay magkakaroon ng prize na food ang bawat mananalo. For example, ang unang competition natin ay relay. Kapag nanalo kayo sa competition na to ay bibigyan ng tteokbokki yung mananalo. Are you ready?" Sabi nung isa pang host, and nagcheer naman sila.
I ate my popcorn, and then silently cheered for Bangtan. Halatang ready na ready naman sila dahil may pastretching stretching pa silang nalalaman.
"Feeling ko mananalo yung EXO?" sabi ni Hana, at lahat naman ay nakatingin sa kanya and she raised her hands in surrender.
"Yah, sinong kakampi mo dito?" Sabi ni Charlene, and tumawa naman kami.
"Boyfriend niya si Sehun, ano ba," sabi ni Talia, at nagtawanan pa kami.
"Ex ni Marione si Baekhyun, ano ba," pang aasar naman ni Chisae, and we all teased Marione.
"Uy, wag ganyan. Kaibigan ko si Baekhyun. Nasa past na yun. Feeling ko nga magkakabebe na yun, e," sabi ni Marione, and nagulat naman kami.
"Magkakabebe? Eh?! Omo," sabi ni Talia, at binatukan naman siya ni Chisae.
"Babaeng to. Magfocus ka nga. Ayan na. Nanalo yung Got7," sabi ni Chisae, at lahat kami ay napatingin sa TV. Nanalo nga yung Got7.
"Naalala ko tuloy nung Beach Camp Idols. It was epic. Lalo na yung binara bara niyo yung Sunflowers. Sabihan din ba naman na pangit si BamBam? Mas maganda pa siya sa kanila pag naging babae yun," sabi ko, and then they laughed.
"Preach, Hanjin," sabi ni Charlene, at pinanuod na namin yung susunod na mangyayari.
Nagsecond stage naman na, at yung gagawin nila ay Capture the Flag.
Nung natapos yung show ay magkakasama pa rin kami nung girls, eating in my house dahil pinagluto ko din sila. I really miss cooking pero kapag nandito si Jin, of course I like his cooking better.
YOU ARE READING
fake love ♧ kim seokjin au
Fanfiction♧ bangtan series #4 ♧ "when she told me we should stir up fake love to mess with the reporters, i thought it was fun. until i got sick of this fake love, because the strings started to get attached," hanjin lee is the nation's crown princess, always...