fake love ; sixteen - hate

24 0 0
                                    

The next day, binisita ko naman ang Bad Valentine sa lungga nila sa Ross Ent, with the help from Marione. Itinuro niya sa akin kung alin ang practice  room ng Bad Valentine, at sinugod ko naman sila dun dahil hindi na kami nagkakasama sama ulit.

"Mabuti at naisipan mo kaming bisitahin. Nakakainis ha? Hindi mo ba kami namimiss?" Sabi ni Halcyon, at binatukan ko naman siya.

Nakaupo kami sa floor ngayon, at nagsusulat naman sila ng possible lyrics daw sa songs na irerelease nila nyan. Yung iba naman sa kanila, chords and arrangements ang isinusulat.

"Buti nga nabatukan din," sabi ni Jincheol, at nagnarrow naman yung eyes ni Halcyon sa kanya.

"Batukan kita Cheol?" Sabi ni Halcyon, at tumawa naman si Jincheol.

"Subukan mo. Baka mamaya sabihin ko sa buong fandom ng Bad Valentine na nakaihi ka sa upuan mo last week," sabi ni Jincheol, at sinabunutan naman siya ni Halcyon.

"Madaldal! Madaldal!" Sabi ni Halcyon, at nagtawanan kami.

"Nangyari talaga yun?" Tanong ko kay Yoojoon, at ngumisi naman siya and then nodded.

"Oo. Last week. Ihing ihi na daw e tapos di napigilan. Buti nalang talaga sa dorm lang yun," sabi ni Yoojoon, at napalingon naman kami sa may pinto nang bumukas yun.

The door revealed a red haired Margaux, smiling sweetly at me and the guys habang may hawak hawak na Chimmy plushie. Umupo naman siya sa pagitan namin ni Halcyon, at inakbayan siya nito.

"Oh, mga tingin niyo. Mga gago kayo malisyoso," sabi ni Halcyon, at nagtawanan naman kami bukod kay Margaux na agad na inalis yung kamay ni Halcyon.

"Kadiri. Hyunki." Sabi ni Margaux, at saka na siya tumawa along with us.

"Bakit trip ninyo akong binubully? Wala naman akong ginagawa sa inyo, e," sabi ni Halcyon, at nagtawanan kami.

"Wala lang. Kabully bully ka kasi. Tsaka bunso ka sa mga lalaki," sabi ni Yoojoon, and Halcyon groaned.

"Akala niyo naman napakalayo ng agwat natin. Masasapak ko na si Jincheol," sabi ni Halcyon, at binatukan naman siya ni Cheol.

"Bobo. Bakit ako lang? Takot ka kay Yoojoon?" Sabi ni Jincheol, and then Halcyon groaned.

"Hindi mo man lang ako ipagtatanggol, Margaux? Hindi mo nga kasama si Jimin, yakap yakap mo naman yung plushie niya," sabi ni Halcyon, and Margaux smiled at him.

"Wala ka lang kasing bebe," sabi ni Margaux, at nanlaki yung mga mata namin.

"San mo natutunan yan, Margaux? Hindi maaari!" Sabi ni Halcyon, umuurong sa kinauupuan niya na parang natatakot.

"Huh? Sayo," sabi ni Margaux, and we laughed out loud.

"Ikaw naman, Hanjin, anong ganap mo? Bakit naisipan mong kami ang bisitahin?" Sabi ni Jincheol, and I shrugged.

"Wala akong ibang pupuntahan. Isa pa, hindi rin kami nag uusap ni Jin, no. Since the issue. Magsama sila ni Shinhye," sabi ko, at nagtawanan naman sila.

"Mabuti yan, Hanjin. Mabuti yan," sabi ni Halcyon, and I raised my brows at him.

"Anong mabuti? Mabuti na hindi kami nag-uusap? Batukan kita ulit, gusto mo?" Sabi ko, tapos ay nagtawanan naman sila at umiling si Yoojoon.

"We can see it. Nagawa mo na yung wish ni Minhyun. To love again. Halata naman sa tuwing magkukwento ka tungkol sa kanya." Sabi ni Yoojoon, and I shook my head.

"Hindi a. Hindi ko gusto si Jin in that way. Wag niyong isipin yun. It's just that hindi man lang niya sinabi sa akin na nay something pala sila ni Shinhye. Edi sana naging masaya pa ako para sa kanila, although si Jongsuk nagluluksa din," sabi ko, and nagchuckle naman sila.

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now