fake love ; nine - here

29 1 1
                                    

Nakalipas ang ilang araw pagtapos nung araw na yun, and Jin and I hung out ng mas madalas. Lagi siyang nagpupunta sa bahay and madalas din siya na magsundo at maghatid sa akin sa venue ng tapings namin.

Kasama ko ngayon si Jongsuk sa may dressing room ko, dahil one hour early na natapos ang shooting namin. So that means na one hour late din na makakarating si Jin ngayon kaya ay kasama ko naman si Jongsuk. Best friend ko naman siya so there was nothing wrong with it.

"Hanjin," tawag ni Jongsuk, at napatingin naman ako sa kanya. Inaayos ko kasi yung backpack ko and he was sitting on the couch while watching me, kaya mas maayos ang buhay niya ngayon.

"Bakit?" I asked, and then he pouted a bit.

"Anong bakit?" Sabi niya, and I tilted my head sidewards dahil siya yung unang tumawag sa akin.

"Bakit mo ako tinawag?" I asked, and he looked away.

"I asked if you wanted to hang out today. Best friend kita pero hindi na tayo nakakapaghang out with each other. Pwede ka ba ngayon?" Sabi ni Jongsuk, and I raised my brows. Hindi ko alam na nagsalita pala siya kanina.

Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi na nga kami ganoong nagkakasama ni Jongsuk these days. Halos sa shooting na nga lang kami magkita, despite him being my best friend.

Kaso ang problema ko, although I wanted to hang out with them, too, kailangan ko na si Jin ang kasama dahil mas nauna kaming nagkaroon ng schedule ni Jin. Hindi ko naman pwedeng i-cancel yun dahil malapit na. For all I know, Jin cancelled plans to even fetch me.

"I'm sorry, Jongsuk. May plano na kasi ako ngayon, eh. Maybe next time?" Sabi ko, and he sighed tapos ay tumayo at naglakad papunta sa akin.

"Next time? Kasama mo nanaman ba ngayon si Jin? Hindi na tayo nagkakasama, eh." Sabi niya, and I pouted.

"Next time nga. Nakaschedule na kami, eh," sabi ko, and he nodded at bumalik sa pagkakaupo niya sa couch.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko ay ipinatong ko yung bag ko sa tabi ni Jongsuk, and then sat down next to it. I pulled my legs closer to my body, at humiga naman dun sa bag ko.

Nakakapagod din. Ilang oras ang shooting namin ngayon. Halos 18 hours. Nirurush kasi namin yung show, pero hindi namin alam kung bakit. Yung director lang talaga nakakaalam.

"Susunduin ka ba ni Jin?" Jongsuk softly asked, playing with my hair, and I nodded as I stared at the ceiling.

"Yep. Siguro ilang minuto nalang nandito na siya," sabi ko, and he sighed tapos ay tumango.

"Hindi mo naman ako kakalimutan dahil kay Jin, right?" Sabi niya, and I chuckled.

"Baliw ka ba? Bakit kita kakalimutan dahil lang kay Jin? Syempre ikaw pa din yung best friend ko," sabi ko, and he nodded.

Magsasalita sana siya kaso nga lang ay biglang may kumatok sa pinto, and I was about to get up and answer it kaso nga lang ay nagsalita nalang si Jongsuk.

"Come in," sabi ni Jongsuk, at dahan dahan naman na bumukas yung pinto.

Sa pagbukas ng pinto ay ipinakita nito sa amin si Jin, na nakasuot ng blue and white na striped polo with a snapback cap tapos white na shorts. May dala dala din siyang susi, and I'm guessing dahil wala siyang dalang pagkain ngayon ay may balak siya na magluluto nalang.

Nang magtama ang paningin namin ay nanlaki ang mga mata niya at lumipat ang tingin kay Jongsuk, kaya naman ay agad akong napaupo at umayos ng upo si Jongsuk kahit na maayos naman na yung upo niya.

"Um, tara na ba?" Sabi ni Jin, at tumingin siya kay Jongsuk. Binati naman siya ni Jongsuk and then he greeted back by nodding his head towards his direction.

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now