▪ Jin Monteverde's ▪
Ilang araw na akong hindi mapakali at nagkukulong sa kwarto ko at kahit ako ay nakakapansin na sa pagbabago ng attitude ko. Dati ay ipagluluto ko pa lagi yung mga members at makikijamming ako sa maknae line, pero ngayon ay halos hindi na ako gumalaw. Madalas ay nalalate na din ako sa mga dance practice namin at hindi ako makapagfocus sa mga gawain namin, but they never call me out. They never call me out at hindi sinasabi sa akin ng mga members na walang kwenta akong myembro.
Pero alam ko yun. Wala na akong kwentang myembro ng Bangtan. Baka mamaya ay pwede na nila akong ipatalsik.
Although, ngayong araw ay todo sila sa pamimilit sa akin na lumabas ng kwarto ko at makipagpractice at makipagsocialize sa kanila. Day off naman namin, pero gusto nila na sumama na ako sa kanila sa panunuod ng mga movies at paglilibang. Ang kaso nga lang, hindi ko na alam kung gusto ko ba o hindi. Parang wala akong gana na gumalaw.
Kahit nga pagluluto ay hindi ko na magawa dahil nasasaktan ako. Ang daming bagay ngayon na kapag ginawa ko, kahit na mga hobby ko dati, ay nasasaktan na ako dahil sa mga alaala.
Kapag lumabas din ako ng kwarto ba to ay mapupuno ako ng masasakit na alaala. Bakit ba ang rupok ko?
Bakit ang rupok rupok ko pagdating kay Hanjin? Sa pagkakaalala ko naman ay dati celebrity crush ko lang siya kaso nga lang ay nagprogress iyon sa mas malalim pa magmula nung mag-umpisa kami na magfake date.
Kapag maglalakad ako palayo sa bed ko ay maaalala ko lang yung panahon na dito natulog si Hanjin. Maaalala ko na namimiss ko na siya at gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at wag na siyang pakawalan pa.
Kapag naman makakarating ako sa living room ay maaalala ko yung panahon na una kong nakilala si Hanjin sa pamamagitan ng panunuod nina Jimin sa kanya.
Kapag makakapunta ako sa kitchen ay maaalala ko lang yung mga panahon na ipinagluluto ko siya at higit sa lahat, maaalala ko lang yung unang panahon na naramdaman ko na gusto niya rin ako kahit na hindi niya sabihin. Yung panahon na unang nagdampi ang mga labi namin. Yun din yung panahon na narealize ko na hindi na to fake love. Gusto ko na talaga siya.
Mas napasapo naman ako ng ulo ko sa mga palad ko nang maalala ko lahat ng yun. Namimiss ko na si Hanjin. Pero isa pang naiisip ko ay yung sinabi sa akin ni Jongsuk na lumayo muna sa best friend niya.
"Jin? Jin hyung?" Tawag ni Yoongi, at hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Madalas na siyang nandito kahit na may sariling bahay naman sila ni Charlene. Naiintindihan naman daw ni Charlene na gusto kaming makita ni Yoongi, at naiintindihan din niya na gustong makita ni Charlene ang Dreamcatchers.
"Hyung! Lumabas ka na dyan, please. Lagi nalang hindi ka lumalabas dyan. Kahit pagkain hindi mo na pinapansin," sabi ni Yoongi, and I sighed.
"Not now, Yoongi. Maybe soon," sagot ko, at nakarinig naman ako ng groan sa kabilang side ng pintuan at footsteps na paalis.
Iiwan naman na siguro nila ako dito. Kaso nagulat ako nang makarinig ako ng mga katok, pero hindi ko alam kung sino yun.
"Jin hyung? Manonood kami ng comedy. Sasama ka ba? Sige na o," sabi ni Jhope, and napakamot naman ako ng ulo.
"Not now, Hobi. Next time," sabi ko, at narinig ko nanaman yung paglalakad niya paalis.
YOU ARE READING
fake love ♧ kim seokjin au
Fanfiction♧ bangtan series #4 ♧ "when she told me we should stir up fake love to mess with the reporters, i thought it was fun. until i got sick of this fake love, because the strings started to get attached," hanjin lee is the nation's crown princess, always...