fake love ; twenty nine - bighit

23 0 1
                                    

Kinabukasan, habang kumakain ako ng lunch kahit na pinilit lang akong kumain ay nakareceive ako ng message galing kay Jin. Hindi ko pa nauubos yung kinakain ko nang nawalan na agad ako ng gana dahil sa kaba.

Agad naman akong tumayo sa kitchen, and then went to change my clothes dahil naligo naman na ako pero pambahay lang yung suot ko. When I reached my room, agad naman akong namili ng susuotin ko and settled for a plain white dress at white ballet flats. Wala akong paki kung puting puti ako ngayon. Yun lang yung una kong nakita so it was fine.

Agad naman akong bumaba galing sa kwarto ko after taking my phone and my purse kung nasaan nandun most of what I need everyday when I go out of my house.

Ngayon lang siguro ako ulit magpupunta sa  labas, but this time it was a requirement kaya  naman ay agad akong lumabas.

Pumasok na ako sa kotse ko and started driving, kahit na kinakabahan pa ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ano man ang sasabihin sa amin. Masama yung kutob ko, pero hinayaan ko muna yung pakiramdam na yun at nagfocus sa task at hand. Pagpunta sa BigHit entertainment.

Yes. Sinabi sa akin ni Jin na tinatawag daw kaming dalawa ng CEO ng BigHit, because he had to talk to us about something. Wala naman akong magagawa, dahil in the way Jin sent the message, halatang it is a requirement at hindi kailangan ang excuses sa mangyayari.

Pagtapos ng ilang minuto ay nakarating naman na ako sa BigHit and then I parked. Agad naman akong sinalubong ng isang guard, but I guessed that it was for safety purposes lalo na sa lahat ng mga nangyayari ngayon.

Habang naglalakad kami paakyat sa office ng CEO ng BigHit ay kinakabahan ako sobra. Lalo na nung sabihin sa akin nung guard na nauna na si Jin sa loob dahil he won't be  here to comfort me.

Nakarating naman kami sa tapat ng isang room, and the guard knocked on the door. Habang naghihintay kami ng sasagot ay tinry kong isteady yung paghinga ko. This must be so hard. Ano kayang nararamdaman ni Jin ngayon, habang nasa loob na siya?

Natigil naman yung pag-iisip ko nang biglang bumukas na yung pinto and revealed the CEO himself smiling firmly at me. I smiled back politely and then bowed at him, pero nasense ko na agad ang bad luck.

Kinakabahan ako lalo. Uupo sana ako sa tabi ni Jin nang magkatinginan kami, kaso nga lang ay tinignan ako nung CEO.

"Hanjin, not beside him. In front of him. On my left," sabi nung CEO, kaya naman ginawa ko yung gusto niya habang nararamdaman ko pa yung panginginig ng mga daliri ko habang inaayos yung upuan ko.

When I finally sat down ay nagclear naman ng throat si CEO and then pinagpalit palit ang atensyon sa amin ni Jin. Nagkatinginan naman kami ni Jin, and he smiled at me for reassurance so I did the  same. Maybe  I wasn't the only one nervous. Siguro kinakabahan din si Jin ngayon kung gaano ako kinakabahan.

"Can we start the meeting now?" Tanong nung CEO, and both Jin and I nodded our heads at tumingin na sa kanya.

"Yes, CEO," sabay na sabi namin ni Jin, and the CEO sighed and leaned back on his chair.

"Napakagulo. Napakagulo ng dulot ng ginawa ninyo. I want you both to know that you two dating, it's been labeled a dating scandal," sabi nung CEO, and we both widened our eyes.

"Dating scandal? Paano po?" I asked, and the CEO sighed.

"Hindi ganun tanggap ng mga tao ang relasyon ninyong dalawa, kaya naman... napagdesisyunan ko na... you two should break up. Sa ayaw at sa gusto ninyong dalawa, you need to break up," sabi nung CEO, and both Jin and I stood up.

"Bakit po? Hindi po namin kailangan na magbreak. All we have to do is wait for the people to calm down and accept us fully with their hearts. Kailangan lang namin patunayan sa kanila na mahal namin ang isa't isa at hindi namin kailangan ang opinyon nila dito," banggit ni Jin, pero umiling iling naman si CEO and pinched the bridge of his nose.

"Pero CEO, hindi po ako under sa entertainment company ninyo, kaya hindi niyo po ako mapagdedesisyunan. I love Jin, and he loves me. I think that deciding the relationship between the two of us and breaking us up is really harsh," sabi ko, at umiling naman yung CEO.

"Mali, Hanjin. Kahit na hindi ka under sa entertainment company ko ay may desisyon pa rin ako dito dahil si Jin ay under sa entertainment company ko and I have a say in his image and his career. And I say that whether he likes it or not, he should be breaking up with you," sabi nung CEO, and I felt a tear drop down my cheek pero agad ko yung pinunasan para ipakita na matapang ako at hindi ako susuko.

Ipaglalaban namin to.

"CEO, wag naman po sana ganito. Hanjin is my source of happiness, at naaalis niya ang stress na nararanasan ko sa tuwing nag-ooverwork kami, wag naman po sana ganito. Kahit na wag lang kami magdate sa public places. Basta don't break us up," sabi ni Jin, pero hindi namin mabali yung desisyon ng CEO ng BigHit.

"I'm sorry. Kung ako yung papipiliin ayaw kong gawin to pero kailangan ko dahil nakasalalay hindi lamang ang image ni Jin dito, kundi pati ang image mo at ng Bangtan. Marami ang madadamay. Patawarin ninyo ako. But this is my final decision. Jin, for you, it's... Bangtan or Hanjin? Yan lang ang mangyayari. No secret dates, no secret relationship. You need to really, really break up," sabi nung CEO, and napaupo nalang ako.

Wala na talaga kaming magagawa. Kahit si Jin ay nakatakip lang ng mukha habang nakaupo dito. Nakapoker face lang yung CEO ng BigHit, kahit na maraming emosyon yung mga salita na binitawan niya sa amin.

"This is final. After I end this meeting, wala nang JinJin. Iaannounce na ng BigHit ang break up ninyo." Sabi nung CEO, at wala kaming nagawa ni Jin kundi ang tumango.

Hindi ako makagalaw. Kahapon lang ay pinag-uusapan namin na walang maghihiwalay, but we were forced to do so today. Nasasaktan ako, nasasaktan siya, pero yun ang kailangang gawin.

"Meeting adjourned," nang sabihin yun ng CEO ng BigHit ay agad akong tumayo and tumakbo palabas ng building.

Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse ko, at dun inilabas ang lahat ng iyak ko.

Hindi na. Wala na. Wala na si Jin. I lost him.

Hindi ko alam ang gagawin ko, pero ang alam ko lang ay ilang oras pa akong naiwan sa parking lot na yun habang pinag-iisipan ang gagawin ko sa buhay ko.

When I realized that it was getting dark, agad naman akong nagpatakbo ng kotse ko papunta sa kung saan man ako mapunta.

He was gone.

Jin slipped off of my fingers easily. Just because of that dating scandal.

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now