fake love ; twelve - where

31 0 0
                                    

"Ilang araw ka na bang hindi kumakausap sa ibang tao? Para kang ewan dyan," sabi ni Halcyon, na nakaupo sa tabi ng bed ko habang nakahiga ako at nakatitig lang sa kisame.

On break ang shooting namin ni Jongsuk for one week (kaming dalawa lang), kasi ay may ibang schedules si Jongsuk ngayon at kadalasan ng mga scenes namin ay magkasama or magkakadugtong yung scenes. Habang on break naman ay naghahibernate lang ako dito or nag-aadmire ng view ng nature sa loob ng bahay ko dahil ayaw kong lumabas.

Simula rin nung maging magkaibigan na sina Jongsuk at Jin ay hindi pa kami ulit nakakapag usap ni Jin, kaya hindi ko alam kung sino ang mga kakausapin ko. Kaya naman, yung Bad Valentine lang ang nakakausap ko dito. Ang nakaschedule ngayon ay si Halcyon, kaya naman inaasahan ko na ang pandedemonyo ng youngest.

"Hanjin, Hanjin, Hanjin. Hindi mo na nanaman ba ako papansinin? Kelan mo na nga lang kami ulit kinausap tapos hindi mo nanaman ako papansinin?" Sabi ni Halcyon, nakasubo pa ng chicken.

"Ang drama mo naman din. Nag-iisip lang ako," sabi ko, pero nakatitig pa din ako sa ceiling.

Huminga naman siya ng malalim, tapos ay nilingon ko siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay nang tignan ko siya, and I rolled my eyes. Sinungkit naman niya yung phone niya sa backpocket niya, and waved it in front of me.

"Hindi kasi kita maintindihan. Baka mamaya, problemang babae yan. Tatawagin ko nalang yung grupo ng pinsan kong halimaw," sabi ni Halcyon, and I furrowed my brows at him.

"What halimaw? Sinong halimaw?" Tanong ko, at nakalagay naman na yung phone sa may tenga niya kaya ay pinakinggan ko nalang siya sa pakikipag usap niya.

Naghintay pa siya ng ilang sandali, at huminga nang maginhawaan na sumagot na yung tinatawagan niya.

I looked around my room, at napansin na ganun pa din ang decorations.

Bigla namang nagsalita si Halcyon kaya ay nakinig na ako.

"Hoy? Charlene Mendez. Inutil ka," sabi ni Halcyon, and I facepalmed.

So si Charlene yung tinutukoy niyang halimaw na pinsan. Okay...? Pero demonyo din naman si Halcyon?

"Anong ako yung inutil? Ikaw kaya. Demonyo. Hindi na nga tayo nag uusap kahit na iisang company lang tayo iniinutil mo pa ako? Aba naman, Charlene Park- ay Mendez pala. Inasawa na ka na pala ni Yoongi- OO NA! BALBAL NA AKO! Hakutin mo nalang mga kagrupo mo dalhin mo dito sa bahay ni Hanjin kailangan ko kayo. Inutil na to," sabi ni Halcyon, at pinatay ang tawag.

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ay ibinulsa niya agad ang phone niya, and then had a very satisfied smile across his face. Para siyang nakatapos ng kalokohan at satisfied na satisfied sa ginawa niya.

Para kaming mga ewan dito na nakatitig sa ceiling, dahil nahawa na din siya. Hindi na rin aiya umiimik dahil nakarami na siya ng chicken at ubos na niya yung isang box niya.

Hinihintay nalang namin yung mga nirecruit niya, at kinakabahan naman ako. Hindi naman kasi kami ganun kaclose ng Dreamcatchers dahil mas close kami ni Chloe ng Starlight. Dahil na rin siguro nung season ng BCI na kami yung hosts.

Bigla namang may sumisigaw sa baba, kaya ay agad na tumayo si Halcyon at tumakbo pababa bago pa magiba yung bahay ko.

Pinagmasdan ko lang yung pintuan kung saan siya dumaan, at naalal ng phone ko na nasa tabi ko, sakaling nag message si Jin, pero hindi naman.

Ilang araw din yung lumipas matapos yung huling pagkikita namin at kasama pa namin si Jongsuk dun. Paano ba namin mapapaniwala yung mga tao na may relasyon kami kahit na wala na? Bakit pakiramdam ko hindi naman magiging effective to at sinayang ko lang yung oras niya?

fake love ♧ kim seokjin auWhere stories live. Discover now