"Hanjin! Are you done?" Sabi ni Jin, and I groaned, dahil kanina pa siya tanong ng tanong sa akin kung tapos na ba ako o hindi kahit na kakatanong palang niya sa akin.
Nagluluto kasi ako ng breakfast namin, e ang aga aga pa. Pero nakabihis naman na rin kami. Isa pa, last day na ng shooting namin ngayon, and we have to film early. Nasa magfafive oclock siguro ng umaga ngayon, and 5 45 ay dapat nasa venue na daw kami ng pagshoshoot-an, dun sa school na kung saan din kami nagshoot nun.
"Kanina ka pa, ha?" Sabi ko, chuckling, and he groaned.
"Nagugutom na ako, eh," sabi ni Jin, and then I laughed. Kailan ba siya hindi nagutom?
"Hoy, kailan ka ba hindi nagutom. Kagabi kaya I saw you sneak out of your room tapos pagbalik mo nay pagkain ka pang dala," I said, and he groaned even more tapos ay pinaglaruan nalang yung mga hawak niyang kutsara't tinidor.
"Malapit na to, I promise, she said. Saglit na lang, she said," sabi ni Jin, and I chuckled.
Bigla namang may naglapag ng baso sa table na kinauupuan ni Jin, kaya parehas na napunta dun yung atensyon namin. It was Yoongi, with a bored expression across his face.
"Sa totoo lang, para kayong mga matandang mag asawa na pinag aawayan yung kung gaano katagal magluto yung babae tapos gutom na yung lalaki." Sabi ni Yoongi, making me feel embarrassed at agad naman siyang umakyat pabalik sa kwarto siguro niya dito.
"Hayaan mo yan. Grumpy nanaman yan. Kakagising, e. Matutulog ulit yan. Tapos mamaya pa ulit magigising. Wala kaming schedules this month, e." Sabi ni Jin, and I slowly nodded as I placed the fried rice and bacon and eggs sa harapan niya.
Tumunog naman na yung oven, so I went there and wore my mittens. Binuksan ko yun, and then slowly took out the muffins that I baked earlier, tapos ay isa isa ring tinanggal iyon and placed it on the table.
Nanonood lang si Jin sa nangyayari sa harapan niya, but he had an amazed expression across his face at parang nagugutom na siya.
"Ginawa mo lang lahat to kanina?" Sabi ni Jin, and I nodded at umupo na sa tabi niya dahil dun niya nilagay yung plate ko.
"Yep. Parang ano to. Pinapanood mo pa nga ako kanina," sabi ko, and he chuckled.
"I was just kidding. Alam ko naman, e. Pero syempre para kunwari nagulat ako, magkukunwari ako," sabi niya, causing me to hit his arm slightly and for him to laugh his windshield wiper laugh na mas nakakatawa pa sa mga pinagsasabi niya.
"Kumain ka na nga lang dyan," sabi ko, at tumakbo sa taas while ignoring his calls na mamaya ko na lang daw tawagin yung iba para malamig na yung pagkain kapag sila daw yung kakain.
Habang paakyat ako ay may pumasok sa isipan ko. This feels perfect, but I still remember the events of last night. Tama ba yung ginawa ko? Pero paano kapag tuluyan ko nang makalimutan si Minhyun, ano kayang pakiramdam nun? Ano kayang pakiramdam na hindi na ako masasaktan pa uli ng dahil sa mga alaala namin ni Minhyun?
Kinatok ko naman yung kwarto ni Jungkook muna, and then he opened the door revealing a very sleepy Jungkook na may muta muta pa. Wow.
"Noona? What's wrong?" Sabi niya, and I gave him a smile at pinigilan ang pagtawa dahil mukha talaga siyang sabog ngayon.
"Er, wala naman. Basta kapag nagugutom ka na and you need to eat, may pagkain sa baba. That's all," sabi ko, and then bumaba after realizing na maaga pa nga, and pwede namang iheat up nalang nila yung food.
Probably, walang schedule tong mga to pati ang Dreamcatchers dahil ang lalakas na ng loob nila na magsleep in.
Nang makarating na ako sa baba ay nakita ko si Jin na mukhang inapi habang ngumunguya ng pagkain niya. I chuckled, and then ruffled his hair. Umupo na ako sa tabi niya and then started eating, causing him to look at me.
YOU ARE READING
fake love ♧ kim seokjin au
Fanfiction♧ bangtan series #4 ♧ "when she told me we should stir up fake love to mess with the reporters, i thought it was fun. until i got sick of this fake love, because the strings started to get attached," hanjin lee is the nation's crown princess, always...