The last bullet was freed, howling at the dawn to break and yield to the light it conceives.
Hindi ko namalayan kung paanong nakaangat na ngayon ang aking kamay, at ang baril na kanina 'y humahalik sa aking sentido ay nakatutok sa kalangitan. Pinakawalan ko ang mariin na pagkakapikit ng aking mga mata. My heart started to set a fire on my chest seeing Angelov infront of me, his right arm raised and the rest of my mind followed the path of where the end of his limb could be holding. To where I felt this raging warmth the most; My hand that was gripping on the gun.
Sa isang iglap ay sapilitan itong nawala sa aking pagkakahawak.
Nakulong ang daing ng pag-angal sa aking lalamunan kaya singhap ang tangi kong nagawa. Weakness found my knees when it buckled. I was expecting to feel the cruel ground beneath me, waiting for my knees to reach it. Pero bago pa ako bumagsak ay naramdaman ko na ang bahagyang pag-angat ng aking katawan.
Rigid warmth quickly enfolded around me through his arms even before I could sob harder. Kumapit ako nang mabuti sa kanyang balikat dahil pilit niya akong inaangat habang nahahatak ko naman siya pababa sa aking bigat at kagustuhang bumagsak sa lupa.
"Bitiwan mo ako!"
Umiiyak pa rin ako habang subok na hinahawi ang braso niyang kumukulong sa akin, pinipirmi ang mga braso ko para hindi magawa ang aking gusto.
I felt another strong grip at my lower back then brashly pulled my body to him to completely cage me. Pero patuloy pa rin akong nanlalaban, tinutulak siya habang pinipilit kong lumuhod sa lupa upang hanapin ang binagsak niyang armas. I know it's just around here! Hindi malayo ang pagkakatapon niya sa bagay na iyon! Ngunit dahil sa tumatabon na luha sa aking mga mata at mahinang paggabay ng ilaw ng buwan, nahihirapan ang paningin ko.
"Samara, tama na!"
"No!" I screamed back at him, desperate and heartbroken. Tapos ay humahaluyhoy muli at humikbi.
I must probably look crazy in front of him. Kahit ako ay ramdam na tila nawawala na ako sa katinuan. Sa malalakas kong haluyhoy at iyak, singhot at hikbi, tapos ay ngangawa muli, inaasahan kong hindi magtatagal ang pasensiya niya sa akin at iiwan niya ako rito sa gitna ng kagubatan.
But that image launched itself to the void when I caught his black shoes kicking something on my left side. Sinundan ko kung saan muli iyon bumagsak. I extended my arm, trying to reach for it but his hands had already hooked their grip on my armpits and pulled me up until I'm standing on my feet again.
Angelov shook my shoulders, tinatawag ang pangalan ko ngunit nabibingi pa rin ako sa tibok ng aking puso at lamay ng alingawngaw mula sa baril. I also find it hard to recover my normal breathing while my shoulders hurt from my forceful cries.
"Shh... Sam..."
Dahan dahan ang pagbukas ng mga mata ko, nanginginig. Nanlalabo pa dahil sa hamog at kapal ng luhang humaharang sa aking mga mata. Unti-unting luminaw sa akin ang nanggagalaiting mga mata ni Angelov, taliwas sa lambot ng haplos ng kanyang hintuturo na binubura ang bakas ng luha sa aking pisngi. I wasn't sure why he's mad. Bumaba ang paningin ko sa labi niyang gumagalaw. May sinasabi siyang hindi ko masyadong naririnig. I just stared blankly at him, natutulala sa kung anuman.
"Samara!" he called my attention.
Kumurap ako at naigting sa sigaw niya. The muffled noise of the surrounding suddenly became a lucid explosion in my ears. I suddenly stopped panting and I looked at him, dazed.
Palipat-lipat ang tingin ng takot at pag-aalala niya sa magkabila kong mga mata, tila ba inaapoy sila dahil hindi tanggap ang simpatya kaya doon muli lumipat sa kabilang mata ko pero ganoon din ang uri ng pagtanggap rito. Yet the palms holding my face were warm, so as the thumb that is still brushing against the wet traces of my tears.
BINABASA MO ANG
OBSIDIAN ISSUE #2 : WOUNDED
General FictionYou met me with death in my mind, a war in my soul. While what caught my sight was the ink in your bones. I stepped into the midnight with those black hole orbs. Half crescent mystery, there's more to you that I need to know. Amity's a fruit tha...