Chapter 2
“Good morning people. So this is the infamous taekwondo club?”
Sabay-sabay na napalingon si Veron at ang mga trainee nang marinig nila ang boses na iyon mula sa pinto ng training area. Napabuntong-hininga siya nang makita ang isa pang magpapasakit ng ulo niya. Wala si Xander dahil busy ito sa on job training nito na required para sa graduation kaya mag-isa lang siyang nagsusupervise at nagtuturo sa lahat ng trainee ng club. Kung tutuusin ay kakaunti ang bilang ng mga ito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga estudyante ang napipintong pagsasara ng taekwondo club kung hindi niya iyon magagawan ng paraan.
Muli niyang tiningnan ang lalaking umistorbo sa training nila. The same man who stole a kiss on her lips days ago. And the same man who looks dashing wearing dobok, the traditional taekwondo clothing, more than anyone she knew. Huli niya itong nakita ay nakajacket ito. Dahil doon ay hindi niya masyadong napansin ang hubog ng katawan nito. He looks so lean all over. Nasisilip din niya ang matipuno nitong dibdib dahil sa hindi magandang pagkakaayos ng dobok nito. Nakatali ang buhok nito, isa sa may tuktok ng ulo at isa sa likod. Pero kahit ang pambatang ayos na iyon ng buhok ay bumagay dito. Ipiniling niya ang ulo.
“Anong ginagawa mo dito mister?”
“William Zara.” Inilahad nito kamay sa kanya. “That’s my name, you can call me Liam. And here is my application form. Makikita mo dyan ang lahat ng kailangang pirma; ang pirma ng club adviser, ang pirma ng administration at ang pirma club president slash captain. Ibig sabihin, myembro na ako ng club na ito. Nice to meet you Veron.”
Nang hindi niya pansinin ang nakalahad nitong kamay ay ang tinutukoy naman nitong form ang inilahad nito sa kanya saka nagpatuloy. “You’re still emotionless as a stone, Veron. Ni hindi ko man lang nakitang nagulat ka.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay kinuha ang iniabot nitong form. Ipinagtataka niya na kumpleto ang pirma sa papeles nito samantalang wala si Xander para pumirma. Kung may gusto mang sumali sa club sa mga oras na iyon ay sa kanya dadaan ang papeles. “Pa’no ka nagkapirma ni Kuya Xander? He’s not here. Baka peke ang pirmang ito.”
Nilampasan siya nito. “Sabihin nalang natin na Xander and I go way…” saglit itong napaisip. “way back.”
Nagtaka man siya sa reaksyong iyon ng lalaking kaharap ay hindi niya pinasin iyon. Muli niyang tiningnan ang hawak na mga papeles. “Bakit naman kita tatanggapin bilang member ng club?”, tanong niya habang sinusundan ang paglapag nito ng gamit katabi ng mga lockers na naroon.
Nag-angat ito ng tingin na parang naaamuse sa tinanong niya. Iniwan nito ang gamit saka lumapit sa kanya.
“Bakit naman hindi?” His face leaning near to hers that his lips almost touch hers. Pagkatapos ng tila pag-aaral nito sa mukha niya ay bumuntong-hininga lang ito. “You didn’t even react a bit. Ni hindi ka man lang ba natatakot na baka halikan ulit kita?”
“Bakit naman ako magpapahalik sa’yo?”, pagkikibit-balikat niyang sabi.
BINABASA MO ANG
HUNTER OF ARTEMIS (Published)
ChickLitNOW PUBLISHED under The BEST of Booklat (a LIB imprint) for only Php 89.00 THIS IS NOT A FANTASY STORY You'll just never know so many emotions she chooses not to show. It's not she doesn't know what's wrong. It's not like she doesn't want to tell. I...