Chapter 6

1.8K 83 14
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 6

“Aww…” narinig niyang daing ni Liam.

Nang magmulat siya ng mata ay doon niya nalaman na sinalo siya ni Liam nang bumagsak siya sa bike kanina. Nakapaloob siya sa mga braso nito habang nasa paanan nilang dalawa ang bumagsak niyang bike. Kung paano ito mabilis na nakalapit sa kanya ay hindi niya alam. Huli niya itong nakita ay ilang metro ang layo nito sa kanya mula ng bitawan nito ang bike na sinasakyan niya. Nang maalala niya iyon ay mabilis siyang bumitaw dito saka niya ito hinampas sa braso.

“Sinong may sabi na pwede mong bitawan ang bike ko?” paninisi niya rito saka tumayo. Kasalukuyan niyang pinapagpagan ang sarili ng mapansin niyang may bahid ng dugo sa braso niya. Hinanap niya ang sugat na pinagmulan noon. Wala. Tiningnan niya si Liam. Nakasalampak pa din ito sa kalsada kung saan sila natumba. Ngunit hindi kagaya kanina na hindi maintindihan ang posisyon nito dahil sa pagsakap sa kanya, ngayon ay prente na iong naka-indian sit habang nakangiti sa kanya.

“Nasaktan ka ba?” pukaw nito sa kanya.

Umiling siya. “Ikaw may sugat ka ba?” tanong niya rito ng maalala niya ang dugo sa braso niya.

Ilang sandaling inikspeksyon ni Liam ang sarili saka nito nakita ang na gilit sa hinlalaki nito. Marahil ay napatama sa kung anumang matalas na bagay nang bumagsak sila. “Eto lang.” sabi nito sa kanya. He’s showing his hand at her at a thumbs-up position para makita niya ang sugat nito. “Malayo sa bituka.”

Yumuko siya dito saka sinubo ang hinlalaki nito. She felt him flinch sa ginawa niya. But she, as usual, is calm about it, a normal thing to do.

“Veron!” bulalas nito habang pinipilit na bawiin ang hinlalaki nito mula sa bibig niya. Napadaing ito sa sakit ng marahan niyang kagatin iyon. “Ano bang ginagawa mo?”

“Nyinyinyinis ko tsugat mo,” sagot niya rito habang nasa bibig pa din niya ang hinlalaki nito. Hinawakan na niya ang pulsuhan nito para hindi na nito mahigit pabalik ang sariling kamay.

Liam laughs. Sandaling napatitig siya rito. Ngayon lang yata niya itong nakitang tumawa, not his usual teasing laugh but his real happy laugh. Naputol ang pagtawa nito ng ilapat niya ang dila niya sa sugat nito. At dahil nakatingin siya sa mukha nito, she saw his blood rose up unto his cheeks.

Binitawan niya ito saka tumayo. “Tapos na.” anunsyo niya. “Malinis na iyan.”

Liam remained stunned for a few moments saka ito nakabawi. Dali-dali itong tumayo.  “Ang galing mo pa lang maglinis ng sugat no?” sabi nito saka sunundan ng pilit na tawa. Tiningnan siya nito. Their eyes met. Blood rose unto his cheeks again pagkatapos ay yumuko para kunin ang natumbang bike. “Tama na muna ang pagba-bike. Gusto mo ng s’mores di ba? Tara na. Baka maubusan pa tayo. Sipsipin at ubusin mo pa ang dugo ko.”  tanong nito pero hindi naman hinintay ang sagot niya. Tuloy-tuloy itong lumakad papunta sa stall ng Clover’s S’mores habang pilit pa din tumatawa.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon