Chapter 12

1.3K 79 16
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

 

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 12

“Sshh!” mabilis na saway ni Liam sa dalawang batang lalaki na kapapasok pa lang sa kwarto. Natuptop ng dalawa ang sariling bibig dahil sa saway ni Liam. Lumapit si Liam sa mga ito saka yumuko para maging kapantay ng mga ito. “Ano bang problema, David?” tanong nito sa batang nasa kanan. “Ronel?, baling nito sa batang nasa kaliwa.”

“Sumabit po kasi sa sanga ng puno yung bola na nilalaro namin.”, sagot ni David.

“Oo nga Kuya Liam. Ayun po oh!”, dagdag pa ni Ronel saka itinuro ang puno na tanaw sa bintana na kinaroroonan nila.

Sinundan ni Liam ng tingin ang tinuro ng bata. Nang makita ang tinutukoy ng mga ito ay ibinalik nito ang tingin sa dalawa saka ginulo ang parehong buhok ng mga ito. “Si Kuya Liam na ang bahala, okay? Basta huwag lang kayong maingay. Kukunin ko yung bola.” Iyon lang at tinungo ni Liam ang bintana ng kwarto.

“Magkakasya ka ba d’yan?” tanong niya rito.

“Oo naman”, confident nitong sagot. “Flexible yata ako!”

Sliding window ang bintana ng ampunan pero wala pa yatang isang metro ang haba at taas noon. Maingat na idinausdos ni Liam ang bintana para hindi iyon gumawa ng kahit anong ingay. Nang mabuksan nito iyon sa pinakamalaking pagkakabukas na pwedeng magawa, nagsimula itong sumampa doon. At dahil hindi ito makatayo sa mismong bintana, nakayukong inabot nito ang isang matibay na sanga sa puno na nasa harapan nito. Nang masiguro na kakayanin ng sanga ang bigat nito ay walang hirap na lumambitin ito doon hanggang makalipat sa mismong puno. Napapalakpak ang mga bata. Saglit na sinaway niya ang mga ito pagkatapos ay binalik ang tingin kay Liam. Unti-unti ay umakyat ito pataas ng puno. Nasa may dulong sanga ang bola na sinasabi ng mga bata. Medyo mataas din iyon kesa sa bintana kung saan galing si Liam Hindi niya alam pero kinakabahan siya. Base naman sa galaw ni Liam ay sanay itong umakyat ng puno.

Veron, dito siya lumaki, malamang sanay siyang umakyat sa punong iyan. At kung mahulog man siya, mababalian lang iyan ng buto at hindi mamamatay.

Lalo siyang hindi natahimik sa naisip. Mabilis siyang lumakad patungo dito dahilan para masagi niya ang lalagyanan ng tsupon ng mga sanggol na hindi niya napansin sa paanan ng kama. Sapat ang ingay na iyon para magising ang sanggol na pinakamalapit dito. Napaawang ang bibig niya nang magmulat iyon ng mata saka gumalaw. The next thing she knew, or heard, was the baby’s loud cry.

“Veron!” tawag sa kanya ni Liam mula sa puno. “Anong nangyayari?”

“Nagising ko yung isang baby!” sagot niya rito. Pinagpalipat-lipat niya ang tingin dito at sa sanggol na hindi niya alam kung paano patatahanin.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon