Chapter 10

1.6K 74 16
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 10

“Tuya Yiyam, tarda!”

Naabutan ni Veron si Liam na kasalukuyang kinakarga ang isang batang babae na kung hindi siya nagkakamali ay nasa tatlong taong gulang pa lamang. Napapaligiran din ito ng ilang pang mga bata, parehong babae at lalaki. Kung paramihan lang ng kasundo at napapangiting bata ay kaya nitong makipagkumpitensya kay Jurais na tinagurian nilang may magnet sa bata dahil sa childish image nito. Matapos kargahin ang bata ay idinapa nito iyon sa magkabilang braso saka dinuyan-duyan dahilan para tumili sa saya ang bata.

“Superman!” masiglang sabi pa ni Liam habang patuloy sa ginagawa. Pati ito ay nahahawa sa ngiti ng batang nasa mga braso nito. He looks so happy and contented sa mga oras na iyon. Wala ang karaniwang playful na imahe nito. What she can see now is a plain and happy Liam with a smile on his lips and a twinkle on his eyes.  Maya’t maya ang paghagikgik nito kasabay ng mga bata sa paligid nito. Maliban sa ekspresyon nito ay kapansin-pansin din ang reflex ng mga muscles nito dahil sa ginagawang pagsuporta sa bigat ng bata.

“Tuya Yiyam, babae ato, darna dapat,” reklamo ng batang babae sa braso nito. Lalong lumaki ang pagkakangiti ni Liam dahil sa sinabing iyon ng batang babae.

“Darna ba dapat?” inalis nito sa pagkakadapa ang bata saka maayos na kinarga. “Ikaw na lang ang sumigaw, pretty Aicy. Pangit kasi kung si kuya ang sisigaw ng darna.”

The little girl pouted for a while and then it was again replaced by a smile. “Sige po. Ita pa, Tuya Yiyam. Yipad uyit ato.” Iyon lang at muling binalik sa dating posisyon ni Liam ang bata. Muling nangibabaw ang hagikgik ng mga ito.

Sigurado ka bang dapat pinapanood mo lang si Liam, Veron?

 

Bumuntong-hininga siya sa naisip. Hindi dapat pinapanood lang niya si Liam. Dapat masorry siya dito kung hindi ay hindi siya makakatikim ng marshmallows. Piniling niya ang sarili. Hindi lang iyon ang dahilan Veron, ano ka ba? Tama! May kasalanan siya kaya dapat siyang masorry. Muli siyang huminga ng malalim, nang-ipon ng sapat na lakas ng loob saka nagsimulang maglakad palapit dito.

“Kuya Liam, ako naman!”

“Ako muna, Kuya Liam!”

“Babae ako, ako muna!”

Sunod-sunod ang tinig na iyon ng mga bata sa paligid ni Liam. Parepareho ang mga itong humihiling na kargahin at iduyan ni Liam sa mga braso nito na tila lumilipad. Napakamot sa ulo si Liam habang nakayuko sa mga bata at hindi malaman kung sino ang sunod na kakargahin.

“Liam,” mahina ang pagkakasambit niya sa pangalan nito pero agad niyang nakuha ang atensyon nito. Pagkabaling nito sa kanya ay agad itong ngumiti. Iyong normal na ngiti nito. Hindi katulad ng ngiting ibinigay nito sa kanya nang magsabi siya ng masasakit na salita patungkol sa mga bata sa ampunan. Marahil ay sabay nilang naisip ang pangyayaring iyon kaya agad na nagbago ang ngiti nito. His happy smile turned into an awkward smile though hindi nito inalis ang pagkakatingin sa kanya. “Narinig mo ako.” She seems stupid for saying that pero wala na siyang ibang masabi. At ipinagtataka din niyang narinig siya ni Liam sa kabila ng hina ng boses niya at sa ingay sa paligid nito.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon