Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.
MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.
CHAPTER 9
MATAPOS ang mahigit-kumulang kalahating oras ay nakarating na din si Veron sa ampunan kung saan ginaganap ang charity event nila. Mabuti na lang at hindi uso ang traffic sa bayan nila kung hindi ay aabutin siya ng isang oras na byahe sa jeep.
Sa harap pa lang ng ampunan ay makikita na na may event na ginaganap doon. Maraming lobo ang nakakalat sa entrance pa lang. Labas-masok din sa establisyimento and naglalakihang myembro ng Taekwondo club. Hindi din niya maintindihan sa sarili kung papano niya nakalimutan na ngayon magaganap ang importanteng event ng club nila. Marahil ay marami lang siyang iniisip. Idagdag pa ang panggugulo ni Liam sa sistema niya. She hated the thought.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa gate ng ampunan. The place was homey. At kahit saan tingnan ay masasabing puro bata ang nakatira doon. The walls were painted with fun pictures. Nakafriendly din ng atmosphere na nararamdaman niya. Mula sa kung saan, naririnig niya ang tawa ni Jurais. That guy really loves children.
“Veron, andito ka na pala.” Salubong sa kanya ni Ysa, nasa tabi nito si Ayan. May bitbit ang mga itong kahon ng mga laruan na kung hindi siya nagkakamali ay ipamimigay sa mga bata mamaya. Ang mga ito ang dalawa sa lilimang babaeng myembro ng club maliban sa kanya. Ysa and Ayan were both beginners pero ang natitirang tatlo na sila Rhod, Lily at Natalie ay pare-parehong yellow belters. “Hinahanap ka na ni Xander kanina pa.”
“Oo nga Veron, kanina pa nag-eenjoy si Jurais ko sa mga bata, bakit ngayon ka lang dumating?” dagdag pa ni Ayan.
“Jurais mo talaga?” tanong dito ni Ysa. “Ni hindi ka pa nga pinapansin ng Jurais mo e.”
“At least ako, may nagugustuhan sa dami ng lalaki sa club, ikaw ba? Pinapansin ka nga ng lahat ng member dahil sa kabaliwan mo pero wala naman kahit isa sa kanila ang espesyal sa’yo.”
Namula si Ysa dahil doon.
Pinagmasdan lang niya ang dalawa. Ysa, despite of her blushing, has her usual smile on her lips. She was cute and bubbly. Ito yata sa buong club ang wagas ang kaligayahan. Kahit simpleng bagay ay nakakapagpatawa dito. Si Ayan naman kakikitaan ng pagkaseryoso sa kabila ng ngiti sa mga labi nito. And like what she said, inaangkin nito ang pinakamakulit at sakit sa ulong si Jurais. What Ayan even saw in him, Veron couldn’t and wouldn’t understand. Dahil yata sa parepareho silang mga babae, ang mga ito kasama pa ang tatlong wala doon ang gumugulo in a good way sa buhay niya. Though dahil sa pagiging mailap niya, she couldn’t say na kaibigan na niya ang mga ito, pero ramdam niya ang genuine care ng mga ito para sa kanya. Ang mga ito lang din ang may kakayahan kumausap sa kanya sa club nang hindi naiilang.
“Tutuloy na ako sa loob,” sabi niya na ikinatango lang ng dalawa.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Katulad sa labas, kung saan-saan makikita ang mga nagtatakbuhan at puno ng siglang mga bata. Ang mga members ng club ay naroon din at may kaniya-kaniyang ginagawa. Nilibot niya ang paningin saka nakita ang bulto ni Xander sa gilid ng building na may karatulang “main office”. Tinungo niya iyon.
BINABASA MO ANG
HUNTER OF ARTEMIS (Published)
ChickLitNOW PUBLISHED under The BEST of Booklat (a LIB imprint) for only Php 89.00 THIS IS NOT A FANTASY STORY You'll just never know so many emotions she chooses not to show. It's not she doesn't know what's wrong. It's not like she doesn't want to tell. I...