Chapter 16

1.2K 64 13
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

 

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 16

 

Umuubong tumayo si Liam sa swimming pool pagkatapos ay tinanggal ang natitirang butil ng tubig sa kanyang mukha. Tiningnan niya ng masama si Danielle. Walang ginawa itong ginawa kundi tumawa mula pilitin nitong ilubog ang ulo niya sa tubig kaninang lumalangoy siya. Dahil sa gulat sa ginawa nito ay hindi niya napigilan ang pagpasok ng tubig sa sistema niya. He clicked his tongue nang hindi pa din ito tumigil sa pagtawa pagkatapos ay sinabuyan ito ng tubig. Ito naman ang umubo nang saktong sa mukha nito tumama ang tubig.

“Liam!”, naiinis na sambit nito sa pangalan niya.

Tinawanan lang niya ito. “Sino bang nauna?”

“Isa, Liam, ah!”, banta nito sa knya pero patuloy pa din ang pagsaboy niya ng tubig dito. “Ayaw ko na!”

Patuloy lang niyang tinawanan ang kababata. Kasalukuyan silang nasa isang resort dahil sa din sa kahilingan nito. Kung tutuusin ay mas malamig ang panahon kesa sa normal at hindi bagay para maglangoy pero hindi siya nanalo kay Danielle. Kahit anong paliwanang niya at pinangangatwiranan lang siya nitong mas malamig sa Canada. At kung hindi ito makakapag-swimming ngayon ay maghihintay pa ito ng humigit kumulang kalahating taon. Wala din siyang nagawa kundi pagbigyan ito. Alam naman kasi niya na totoo ang sinasabi nito. Halos lamunin ng nyebe ang Canada kapag ganitong panahon at matatagalan pa bago matunaw ang mga iyon.

“Tara sa malalim, Liam.”, aya ni Danielle sa kanya. “Ang babaw-babaw dito.”, reklamo pa nito dahil nasa four feet na lalim lang sila.

Umiling siya bilang pagtanggi dito. “Ikaw nalang. Masakit pa ang ilong ko sa ginawa mo.” Tumawa lang muli si Danielle sa tinuran niyang iyon pagkatapos ay lumangoy papunta sa malalim na bahagi ng pool.

Lumakad siya patungo sa gilid ng pool. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng tubig. It felt like needles in his skin. Nang marating niya ang gilid ng pool ay tinungkod niya ang dalawang braso dito saka inangat ang sarili. Umupo siya habang nakababad pa din sa tubig ang dalawang binti. He cringed when the wind blows. Paano ba ako napilit ni Elle magswimming nang ganito kalamig ang panahon?

Kakaunti ang tao sa resort. Dalawa lang ang cottage na may umuukupa kasama na ang cottage nila. Napailing siya nang maiisip na may taong kayang sakyan ang trip ni Danielle na maligo sa kabila ng lamig ng panahon. Nang madako ang paningin niya sa comfort room ay naagaw ang pansin niya sa babaeng lumabas mula roon. Marahil ito at ang mga kasama nito ang nagrenta sa isa pang cottage. Mula sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang nakatalikod nitong pigura. Her wavy auburn hair that reaches her slender waist reminds her of Veron. Liam smiles at that thought. Mula nang dumalaw ang dalaga sa ampunan ay hindi pa niya ito muling nakikita. He must miss her so much na pati ang hindi niya kilalang babae ay pinagkakamala niya dito. Unti-unting nawala ang pagkakangiti niya nang lumakad ang babae patungo sa pool na kinauupuan niya. She’s so sexy wearing a black haltered two-piece swimwear with violet ruffles on the edges. She’s walking with confidence while her hair is swaying with the wind.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon