Chapter 3 - Artemis

2.9K 100 21
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

Chapter 3

“Kayo kasi, hindi dapat kayo umaalis ng walang paalam.” wika ni Jurais na ang tinutukoy ay ang mga naka-squat na baguhan na members ng club. Sinulyapan nito ang nagbabasang si Veron. “Alam nyo namang hindi tao ang trainor nyo dito.” Nang iangat ni Veron ang tingin kay Jurais ay muling nagsalita ang huli. “Dyosa. Dyosa ang trainor niyo at hindi tao. ‘Yan ba namang ganda na iyan ng isang dyosa ay lalayasan niyo pa? Aba, mag-isip-isip kayo! Mahal ang bigas ngayon kaya mga mata niyo na lang ang busugin niyo ng ganda ng…”

“Jurais… ” pigil niya sa sasabihin nito. “Get out.”

Mula nang dumating ang mga trainee sa club room ay pina-squat na niya ang mga ito. That was almost an hour ago. At wala pa siyang balak na alisin ang parusa niya sa mga ito. Dahil sa pag-alis ng mga ito ay naranasan niya ang kahihiyan sa kamay ni Liam. And that devil is now experiencing her punishment. Bukod tangi ito na may libro sa magkabilang kamay habang naka-squat. Hanggang ngayon ay wala pa siyang impormasyon tungkol sa kaalaman nito sa taekwondo kaya hindi niya ito maiaalis sa mga baguhan.

“Veron naman!” reklamo sa kanya ni Jurais. “Tinutulungan na nga kitang magdisiplina, papaalisin mo pa ako? Paano naman ang nagugutom kong mga mata?”

Inabutan niya ito ng mga nadampot niyang paper clips sa ibabaw ng lamesa.

“Anong gagawin ko dito?”

           

“Feed your eyes.”

           

“Ha?”

“Gutom ang mga mata mo di ba? So ipakain mo ang mga clips na yan sa mata mo para mabusog. Ayaw mo ba n’yan? Kailangan pa ba kitang hanapan ng karayom?”

Namumutlang napangiwi ito.

“Sabi ko nga, masarap ang pagkain sa canteen. Mauna na ako, gutom na gutom na talaga ako.” Binalik nito ang mga clips sa kanya. “Tiyan ko pala ang nagugutom. Next time ko nalang gagamitin yan, pakitabi na lang muna.”

Sinundan niya ito ng tingin hanggang makalabas ito ng clubroom. Sanay na siya kay Jurais. Kapag nangungulit ito ay isa lang ang solusyon; ipaintindi mo dito sa kahit anong paraan, yes, kahit anong paraan, gaano man kabrutal, na pinapatigil mo na siya.

Nang tuluyan itong mawala sa paningin niya ay binalingan niya ang mga pinarusahang members. Gusto niyang maawa sa mga ito. Butil-butil na pawis na ang nasa noo ng mga ito. Basa na din ang suot na dobok dahil sa pawis. Kung tutuusin naman ay wala naman talagang kasalanan ang mga ito dahil kung wala namang nagpaalis ay hindi ito aalis. Sinulyapan niya si Liam.

The world is really unfair huh?”, naisip niya.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon