Chapter 19

1.6K 69 16
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

 

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 19

Veron looks at her cellphone for the nth time. Hindi sinasadyang napukpok niya ang desk ng inuupuang arm chair dahil sa inis nang makita niyang wala pa siyang natatanggap na bagong mensahe.

“Miss Navoa, may problema ba?”, pukaw sa kanya ng professor nila sa subject na iyon. “May tanong ka ba sa lecture?”

Umiling siya. “Wala po, Ma’am. I’m sorry.”

Naguguluhan man ito ay tumango pa din saka pinagpatuloy ang paglelecture.

Days have past mula ng swimming outing nila. During that time, she has been opening herself up to people. Nagsasalita na siya kapag may kumakausap sa kanya, bumabati sa mga kakilala niya at naglalabas ng emosyon na naayon sa sitwasyon. All those changes in her left everybody around her stunned but happy. All these time, nasa tabi lang niya si Liam, giving her courage when she needs it. Pero kahapon ay bigla na lamang hindi ito pumasok. She later found out na maysakit si Liam. And according to Jurais’ logic, it was all her fault.

Ayon dito, noong gabi ng overnight nila sa resort ay halos walang tulog si Liam dahil sa pagbabantay sa kanya. Dahil nga walang kwarto sa resort, wala silang choice kundi matulog sa sementadong upuan o kaya ay sasementado ding lamesa ng mga cottage. She chose to sleep on top of the table. May suot siyang jacket kaya hindi masyadong nilalamig ang itaas na bahagi ng katawan niya pero hindi nakaligtas sa lamig ang mga binti at paa niya. Wala naman siyang maikumot dahil basa ang towel niya. Nang makita siya ni Liam na namamaluktot sa lamig ay nilapitan siya nito. Ikinalong nito sa mga binti ang paa niya. Pinagkiskis din nito ang dalawang palad saka idinampi sa mga paa niya ang mga iyon. It was all done to keep her warm. Magdamag daw na nasa paanan niya si Liam. ‘Daw’ dahil wala naman siyang alam. She fell asleep as soon as she lay down. Kahit ang lamig ng semento ay hindi napigilan ang katawan niyang matulog dahil sa pagod sa maghapong paglalangoy.

Kanina, dahil na din sa pangongonsensya ni Jurais, napilitan siyang bisitahin si Liam. It was awkward visit. Ni hindi niya alam ang gagawin o sasabihin para kumustahin ito. She is just thankful for Liam’s every witty remark that erases her nervousness. He still has a slight fever and cold, pero maayos na naman ang pakiramdam nito. She stayed there for a while until she has to leave to attend her class.

She stares at her phone once more. Wala pa din. Mag-iisang oras na ng itext niya si Liam pero hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na reply mula dito.

Tiningnan niya ang pambisig na relo. Five more minutes at matatapos na ang panghuli niyang klase sa araw na iyon. Nang matapos ang lecture, hindi pa man nakakapagdismiss ang professor nila ay tumayo na siya sa kinauupuan saka mabilis na lumabas ng pinto.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay natagpuan na niya ang sarili sa harap ng boarding house na tinutuluyan ni Liam. Matapos magpaalam sa landlady nito ay tumuloy na siya sa kwarto ng lalaki sa ikatlong palapag. Kumatok siya ng pinto.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon