Chapter 4

2.5K 88 26
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 4

WALANG combat practice ang taekwondo club, sa halip ay naglelecture lang si Veron tungkol sa mga basic moves ng taekwondo at kung saan ang tamang sitwasyon gagamitin ang mga iyon. Nagmukhang classroom ang clubroom. Ang kaibahan nga lang, sa sahig nakaupo ang tinuturuan niya. Tanging siya lang ang nakaupo sa upuan sa harap ng lahat. May hawak siyang libro na panakanaka niyang tinitingnan habang nagpapaliwanag. Tatayo lamang siya kapag kailangan niyang i-demonstrate ang isang galaw na hindi maintindihan ng salita lang.

Veron is aware that Liam is bluntly staring at her. Ilang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyaring insidente tungkol sa pangalan niya. Pero sa kabila niyon ay hindi siya nagpakita ng pagbabago. Ibinalik niya ang composure at parang walang nagyaring humarap sa club. Wala din ni isa sa mga ito, kahit si Liam mismo, ang muling bumaggit tungkol doon.

Binaling niya ang atensyon kay Liam nang makita niyang nagtaas ito ng kamay. Nasa pinakadulo ito habang nakasandal sa pader. His both knees are up and his thighs open. Nakaunat ang kaliwa nitong braso habang nakapatong sa kaliwang tuhod. How can this guy look so hot while all he does is lazily slump there? “Yes Zara?”

“Huh?”, tila naguguluhang tanong nito.

“You raised your hand.” Turo niya sa kamay nitong nakataas pa din. “May itatanong ka?”

Tiningnan nito ang sariling kamay. “Ah yes… May gusto akong itanong.”

Pinigilan niya ang pagkunot ng noo sa ginawi nito. Para itong bata na hindi alam ang ginagawa. Isang inosenteng bata na nag-aalangan kung dapat ba nitong ituloy ang sasabihin.

“Yes?” hikayat niya dito.

“Ilang araw ka ng umiiyak??”

Nabigla siya sa sinabi nito pero hindi niya iyon pinahalata. Agad niyang pinamanhid ang sarili at hindi hinayaan na may emosyong lumandas sa kanyang mukha. She really did cry these past few days. What can she do? She can’t help it. Dahil sa ginawa ni Liam na pagbanggit sa ikalawa niyang pangalan ay unti-unting bumabalik ang mga bagay na pinipilit niyang kalimutan. Pero paano nito nalaman na umiyak siya? Sinigurado niyang bago siya pumasok ay hindi mapapansin ang pamumugto ng mata niya.

“I knew it because I have this habit of staring at you,”, wika nito na parang nababasa ang nasa isip niya. “At ilang araw nang may iba sa mata mo.”

“Hindi ako umiyak”, tanggi niya. “At kung umiyak man ako, that is not your concern. Ngayon, kung may panahon kang titigan ako, sana hindi lang mukha ko ang pansinin mo. You should listen to what I’m saying, dahil kung hindi mo napapansin, nagle-lecture ako.”

Nagkibit-balikat lang ito. Sinulyapan niya ang pambisig na relo. Oras na ng tangahalian kaya mabuti pa sigurong i-dismiss na niya ang mga ito. Inabot niya ang sheet ng listahan ng mga members saka nagsimulang magtawag para sa attendance.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon