Chapter 5

2.1K 80 26
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 5

Maaliwalas ang paligid. Nakahilera ang naglalakihang puno sa magkabilang-panig ng kalsada na may malalagong dahon na nagmimistulang bubong panlaban sa sikat ng araw. Malamyos na umiihip ang hangin. Berdeng-berde ang dermudang nakalatag sa patag na bahaging nagsisilbing picnic area. At dahil hindi peak season, kokonti lamang ang mga taong naroon ngunit lahat ay may pinagkakaabalahan.

Isang napakagandang araw para makasama ang taong mahalaga sa’yo.

Masayang naglalakad… magkahawak-kamay… at …

“LIAM…”

Puno ng siglang tinatawag ang pangalan mo.

“Liam, ano ba?”

Pamanuksong nagtatanong.

“Liam, bitawan mo ang kamay ko !”

At hinihiling sa’yong bitiwan ang kamay niya.

Napatigil siya ng paglalakad. Napakamot siya sa sariling ulo. Yeah Liam, stop daydreaming. Time to wake up dude! He clicked his tongue. Sayang!

Nilingon niya ang babaeng bubuo sana ng magandang senaryo sa utak niya pero piniling sirain iyon.

VERON.

Her hair is messy pero hindi iyon nakabawas sa ganda nito. Instead it makes her look sexy. Idagdag pa ang mamula-mula nitong mukha dahil sa init ng araw. Her face lacks emotions but her eyes are now staring intently at him. Kung hindi niya ito kilala ay iisipin niyang inaakit siya nito. The way she looks at him is turning him on. He can’t help but look at her breast. Taas-baba iyon palatandaan ng pagod na nararamdaman nito. Hingal na hingal ito. Marahil ay dahil mas lalo niya itong nahihila sa tuwing pipilitin nitong huwag maglakad dahil ayaw nitong sumama sa kanya.

Sabagay kung iisipin niya, sino nga namang matinong babae ang sasama sa kanya pagkatapos niyang hawakan at pisilin ang dibdib nito. He’s glad na hindi pa siya napapatay ni Veron. Pero anong magagawa niya? Nang kausapin niya ito ay bigla nitong sinabi sa kanya na naiinis na ito kanya. She’s so annoyed that she can slap him if she can. Natutuwa siya na may emosyon itong nararamdaman para sa kanya. But he can’t take the discomfort he can see from her eyes.

He definitely can’t take it.

Iyon ang dahilan kaya ginusto niyang magpasampal dito. But Veron, stubborn as she is, ay inasahan na niyang hindi siya basta-basta sasampalin. At that point, hindi na niya alam kung anong pwede niyang gawin. He hated attention kaya hindi siya mahilig makisalamuha sa ibang tao. How the hell can he know kung anong pwede niyang gawin sa ganitong sitwasyon… until he remembered a scenario back when he was in high school. Iyon ay noong hindi niya sinasadyang mahawakan ang dibdib ng isa niyang kaklaseng babae. Hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon dahil doon niya naranasan ang unang masampal.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon