Chapter 1
A festive mood is dominating the air. Kahit saan tumingin ay iba’t-ibang festival booth ang makikita. Punong-puno din ng tao ang paligid. May mga todo ang pose para sa photo booth, may mga nagwawala dahil nakulong sa jail booth, may mga takbo ng takbo para makatakas sa blind date booth, mayroong kinikilig sa dedication booth, may mga nagtyatyagang pumila para sa marriage booth, at mayroon ding namang mga kain lang ng kain sa mga food stall at patay-malisya sa mga nangyayari.
Bored na pinagmasdan ni Liam ang hanay ng mga booth sa parteng iyon ng Southern Quezon University. Kasalukuyang ipinagdiriwang ang week-long celebration ng foundation day ng naturang campus. Dinama niya ang kanyang tiyan nang maramdaman niyang kumulo iyon pagkatapos ay tiningnan ang relong pambisig. “Makakain na nga.” Umunat siya bago tuluyang tumayo sa bench na kinasasalampakan niya. Nagsimula siyang maglakad at naghanap ng makakain.
“Sinong may gusto ng halik galing sa dyosang si Artemis? Isang daan lang kada halik sa pisngi! Minsan lang to! Pila na kayo.”
Napalingon siya sa boses na iyon. Nagsalubong ang kilay niya nang mabasa ang karatula ng booth na inaadvertise nang lalaking narinig niya.
Taekwondo Club Kissing Booth? Kelan pa naging ability ng mga taekwondo club members ang manghalik? At sino naman ang sira-ulong papayag magpahalik sa isa sa mga taga-taekwondo club?
Siya na din ang sumagot sa sarili niyang tanong nang makita niya ang haba ng pila sa naturang booth.
What the…?
Tuluyang nakalimutan ang gutom ay curious na nakipila siya sa hanay ng kalalakihan na naghahangad makahalik sa dyosang tinatawag nilang Artemis. Mula sa dulo ng pila ay sinilip niya ang babaeng nagbibigay ng halik sa unahan ng linya. Sitting comfortably inside the booth is a pretty woman with an auburn wavy hair, red lips, and her eyes? What’s the color of her eyes? Is it really silver? No, it’s not possible. Mula sa kayumanggi nitong balat ay masasabi niyang Filipino ito kaya malabong maging silver ang kulay ng mga nito. Maliban pa sa napaka-rare kung nag-eexist man ang silver na kulay ng mata. Muli niyang tiningnan ang mga mata nito. No, it must be light gray, mas possible iyon at nasisilaw lang siya sa araw kaya silver ang nakikita niyang kulay.
Marahil ay naramdaman ng babae ang pagkakatitig niya kaya tumingin ito sa direksyon niya. Napapitlag siya. Sandaling nagkatagpo ang mata nila pagkatapos ay ito na rin ang unang nagbawi ng tingin.
“Who’s the girl?” kinalabit niya ang lalaking nasa unahan sabay turo sa babae sa booth.
“Ah, si Veron? Siya ang captain ngayon ng Taekwondo club,” sagot nito saka tila nagdalawang isip sa sagot. “More like siya pala ang in-charge. Ang alam ko, hindi pinayagan ng administration na maging captain si Veron.”
“Bakit hindi?” tanong niya ulit dito ngunit nagkibit lang ito ng balikat.
“Kung interesado ka sa kanya, ngayon palang mabuti pang sumuko ka na. Walang emosyon yang si Veron. Wala pa ni isa dito sa campus ang nakakita sa kanyang ngumiti, umiyak, magalit o kahit mainis man lang.” Saglit itong nag-isip, “Sabagay, ang mga tao lang naman sa taekwondo club ang kinakausap niya.”
BINABASA MO ANG
HUNTER OF ARTEMIS (Published)
Chick-LitNOW PUBLISHED under The BEST of Booklat (a LIB imprint) for only Php 89.00 THIS IS NOT A FANTASY STORY You'll just never know so many emotions she chooses not to show. It's not she doesn't know what's wrong. It's not like she doesn't want to tell. I...