Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.
MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.
CHAPTER 17
“Bakit totoo naman, ah! Takot na takot ka kaya sa horror movies. Umihi ka pa nga sa kama noong gradeschool tayo dahil sa takot mo sa movie na ‘Shutter’. Di ba? Di ba? Huwag mo na kasing itanggi!”
Ang maingay na boses na iyon ni Danielle ang nabungaran ni Veron nang lumapit siya sa cottege na nirerentahan nila. Hindi pa sana niya gustong umahon sa tubig kahit madalim na kung hindi lang kumulo ang tiyan niya. Ilang beses na siyang pinaahon nila Jurais pero kahit nang si Xander na ang tumawag sa kanya ay hindi pa din siya sumunod. Not that she doesn’t want to associate with Liam and Danielle. Well, that might be one of the reasons. Pero talagang mamiss niyang maglangoy. Kumuha siya ng isang piraso ng inihaw na porkchop mula sa dala nilang pagkain pagkatapos ay umupo sa isang tabi at sinimulang papakin iyon.
“Baitsing pa nga ang tawag mo sa twenty five cents nung bata tayo, e”
“Baintsing?” curious na tawag ni Jurais.
Tumango si Danielle sa mga kasama sa lamesa. Nasa magkabilang-tabi nito si Jurais at Leeven na tila pinoprotektahan ang dalaga. Si Liam naman ay halatang nagpipigil ng inis sa harap nito at kulang nalang ay pasakan ang bibig ng kababata kung hindi lang sa matalim na tingin ni Xander na nag-uutos ditong tumahimik at huwag pigilin si Danielle sa kwinekwento nito.
“Oo baintsing. Tapos kapag hawak niya, tawag niya baintsing ko. Kapaghawak naman ng iba, tawag niya, baintsingmo,” pagpapatuloy ni Danielle sa kwento nito pagkatapos ay humagalpak ng tawa.
“Seryoso?”, tatawa-tawang tanong ni Jurais.
Tumango-tango si Danielle. “Tapos, tapos, noong binilhan kami ng strawberries galing Baguio ni Sister Ella, napagalitan si Liam. Sabi kasi ni Sister itira niya iyong kalahati sakin. Alam niyo ba kung anong itinira sakin ng isang iyan? Half-bitten strawberries! Hinatian nga naman niya ako sa lahat ng strawberries!”
“Wala kayo kay Leeven. Tingnan niyo ha?” Dali-daling kumuha si Jurais ng flat tops chocolate mula sa bag nito saka inabot iyon kay Leeven. Nakangiting kinuha ng huli ang chocolate. Pero pagkatapos na pagkatapos buksan ni Leeven ang chocolate ay nagsalita muli sa Jurais. “Pahingi akong kalahati.” Leeven slightly pouted but still nodded. Kinagat nito sa gitna ang naturang chocolate. Pero sa halip na ang nasa kamay nito ang ibigay kay Jurais. Ibinigay nito ang kalahating chocolate na galing sa bibig nito. “See what I mean? Mula ng makilala ko si Leeven way back in high school, ganyan na iyan mamigay ng pagkain.”
Kahit si Veron ay hindi napigilan ang sariling mapailing kay Leeven. She doesn’t know if Leeven is just innocently weird or deviously wise.
“Hindi ka ba naiingit ka kanila? Hindi ka man lang nakisali sa kwentuhan.”
BINABASA MO ANG
HUNTER OF ARTEMIS (Published)
ChickLitNOW PUBLISHED under The BEST of Booklat (a LIB imprint) for only Php 89.00 THIS IS NOT A FANTASY STORY You'll just never know so many emotions she chooses not to show. It's not she doesn't know what's wrong. It's not like she doesn't want to tell. I...