Chapter 13

1.5K 69 15
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

 

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 13

                    

Malakas na napabuntong-hininga si Veron saka inunat ang magkabilang braso paharap. Napakaraming nangyari ngayong araw at masasabi niyang pagod na pagod siya. Hindi lang ang katawan niya ang pagod kundi maging ang puso’t isip niya. Tila roller coaster ang nangyari sa araw na ito. Nagsimula sa panaginip niya kay Von hanggang sa kulitan nila ng mga bata kasama si Liam. Hindi naman kasi natapos ang araw sa pagbabantay nila ni Liam sa mga sanggol sa nursery ng ampunan. Nang bumalik ang mga sisters ay ang mga ito na ang umasikaso sa mga sanggol. Ayaw man niyang iwan si Awi ay wala siyang magagawa, pinangako na lamang niya sa hindi nakakaintinding sanggol na babalik siya para bisitahin ito.

Pagkalabas na pagkalabas naman nila ng nursery, sinalubong naman sila ng mga Jilliane at ng mga kasama nitong bata saka sila inayang maglaro. Kung anu-anong pambatang laro ang nilaro nila. Well, she’s mostly watching all the time pero nakakaubos pa din ng lakas ang pagbabantay sa mga hyper na bata. Isama pa na kahit anong gawin niya ay di niya napigil ang emosyon niya kapag nasa harap na siya ng mga bata. She even experienced a silent atmosphere latter that afternoon just because she gave a tiny chuckle.

Nakaupo si Liam sa tabi niya ngayon. Kung pagod na pagod siya, hindi niya alam kung anong paano ipapaliwanang ang pagod nito. Wala itong ginawa kundi makipaglaro sa mga bata kasama nila Jurais at ng iba pang myembro ng club.

Ang ibang myembro ng club ay naghahanda sa pag-alis nila sa ampunan. Gabi na at kinakailangan na nilang umuwi. Ang mga tiyak na pagod ng members ng club ay hindi na pinatulong sa pag-eempake kaya nandito sila ni Liam ngayon sa maliit na palaruan sa likod ng ampunan. Isang swing at isang slide lang ang naroon kaya pinagtyagaan na nilang upuan ang nakahigang putol na puno na naroon. Malayo sila sa nakararami at malamlam na ilaw na lamang ang umaabot sa kanila ngunit maliwanang pa din kung tutuusin dahil sa bilog na bilog na buwan sa gabing iyon. Ilang bituin din ang nasa langit.

“Hindi ako talaga ako makapaniwala,” basag ni Liam sa katahimikan.

           

Nilingon niya ito, he have grin on his face. “Hindi ka makapaniwala na ano?”

           

“The cavalier who kicks and punches someone without batting an eyelid is terrified of holding a baby. Ni hindi mo makarga si Awi noong una kahit mahuhulog na siya sa kama. You don’t fear of hurting others but you fear of saving them.

           

Tinitigan niya ito. Hindi hadlang ang dilim ng gabi para hindi niya makita ang gwapo nitong mukha. His eyes portray tenderness despite its darkness. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Nasa harap niya ang nag-iisang lalaki na bumubuhay sa emosyon niya. She wants to smile.

           

“I really like the way you stare at me. Lalo akong naiinlove sa’yo.”

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon