Chapter 15

1.2K 68 10
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

 

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 15

Nararamdaman na ni Veron ang sakit ng unti-unting pagdiin ng sarili niyang kuko sa mga palad niya dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya sa pareho niyang kamay. Nasa harapan siya ng gate ng ampunan dahil na din sa pag-udyok ng Kuya Xander niya. At mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya sila Liam at Danielle sa balkonahe. Nakalatag ang dalawang banig doon kung saan natutulog ang mga bata ng ampunan. Marahil ay dahil mas maaliwalas ang hangin sa labas kaya napagpasyahan ng mga ito na sa labas na lang magsiesta ang mga bata. Parang may nakabara sa dibdib niya habang nakikita niyang masayang nagkwekwentuhan sila Liam at Danielle. Bagaman mas tamang sabihin na si Liam ang nagkwekwento habang tawa ng tawa si Danielle kasabay ng panakanakang pabirong pagpalo nito sa braso ni Liam. Si Liam naman ay panay ang ngiti sa bawat tawa na papakawalan ni Danielle. Nagpatuloy ang paninikip ng dibdib niya. Gusto niyang tumalikod at umalis sa lugar na iyon pero hindi niya maigalaw ang katawan niya. Para siya isinumpa para makita ang senaryong iyon.

Saglit na natigil ang pag-uusap ng mga ito ng tila tumunog ang cellphone ni Liam at sinagot nito iyon. She can see him knotting his forehead with a perplexed expression on his face. Tumayo pa ito sa kinauupuan pagkuwan ay lumingon-lingon na tila may hinahanap. When his eyes found her face, he immediately smiled his mouthwatering smile.

“I found her.”, malakas na pahayag nito. His eyes are twinkling with happiness. Ibinaba nito ang cellphone saka lumakad patungo sa kanya nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. “Veron!” nasasabik na sambit nito sa pangalan niya. “Andito ka.”

Wala siyang nagawa kundi tumango dito. Inigaya siya ni Liam papasok ng ampunan. Nang makarating sila sa balkonahe ay ngitiian siya ni Danielle.

“Hello Veron,” kumaway si Danielle sa kanya. Tiningnan lang niya ito. Saglit na pagkalito ang dumaan sa mukha nito ng makita na walang reaksyon sa mukha niya. Tiningnan nito si Liam na nagkibit-balikat lang. “Kukuha lang ako ng meryenda sa loob. Dito muna kayo,” ngumiti muli ito saka tumalikod papunta sa loob ng ampunan.

Umupo siya sa upuan na inalisan nito. Hindi niya maintindihan ang sarili. She feels like a brat sa ginagawa niyang pagtrato dito. Kung tutuusin ay wala namang pinagkaibia iyon sa nagiging pagtrato niya sa ibang tao lalo na at di pa niya gaanong kilala. She had always been the emotionless Veron. But deep inside, she knew that it was more than that. Wala siyang emosyon na pinapakita dito hindi dahil pinipigilan niya ang sariling emosyon kundi dahil iyon talaga ang gusto niya. Alam niyang wala namang ginagawa si Danielle sa kanya pero hindi niya mapigilan ang pagngingitngit ng loob niya dito sa hindi niya malamang dahilan.

Buong durasyon na wala doon si Danielle ay tahimik lang sila ni Liam. Dahil hindi din naman ito nagsasalita ay inabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga natutulog na bata. Liam, on the other hand, just stares at her. Sanay na siya dito kaya hindi na niya iyon pinansin.

“Magmeryenda muna tayo,” narining niyang anunsiyo ni Danielle. Inilapang nito ang tray sa lamesa. There were three slices of cake and three glasses of juice. “Buti na lang bumili kami ni Liam ng cake kanina, kung hindi, hindi ko alam kung anong pwedeng ipameryenda sa iyo.” Umupo si Danielle sa tapat niya, sa kanan ni Liam.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon