Chapter 20

1.7K 65 3
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

 

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 20

 

Pagkapasok ni Veron sa club room ay sinalubong na siya ng malakas na tawanan ng mga tao roon. Nang ilibot niya ang paningin ay nakita niyang nakaupo sa sahig ang buong taekwondo club hindi lang ang mga baguhan.

Iba’t-iba ang reaksyon ng mga ito pagkakita sa kanya, pero lahat negative, takot, pangamba at awkwardness. Tatlo lang sa mga tao roon ang iba ang reaksyon sa karamihan. Jurais winks at her and Leeven gave her a blank look. Tipid niyang nginitian ang dalawa saka tumuloy-tuloy ng upo sa upuan sa likod ng lamesang kasalukuyang kinauupuan ng captain ng club. Kasunod niya si Liam. Narinig nito ang usapan nila ni Xander kaya nagpilit itong sumama. Maayos na daw ang pakiramdam nito ayon dito. Xander has a satisfied look on his face habang papalapit siya. Nang makaupo na siya sa likod nito ay nilingon siya nito.

“Anong ibig mong sabihin na dadating si Gee, Kuya?”, pabulong na tanong niya rito bago pa man ito makapagsalita.

“Exactly as that.”, deretsong sagot nito sa kanya.

“Kung ganun, anong ginagawa ng mga taekwondo members dito?”

“Camouflage”, binalik na nito ang tingin sa harapan saka panakanakang nakikingiti sa mga members habang pabulong pa ding nakikipag-usap sa kanya. “Alam mong hindi ako myembro ng GRS, kaya imposible kong malaman kung anong mga balak ni Gee. May koneksyon lang ako sa loob ng frat kaya nalaman ko na papunta siya dito. Pero kapag tayo lang ang nadatnan ni Gee dito, makakakutob ang isang iyon na may naglalabas ng impormasyon tungkol sa frat. Malalagot ang source ko. Pinatawag ko ang buong taekwondo club maliban sa mga babae para maging panlinlang kay Gee.”, paliwanang nito sa kanya. “Kaya ikaw, ‘wag kang pahahalata na may alam ka sa nangyayari. Act normal. Si Liam siguro ay nasabihan na din nila Jurais.”

Tumango-tango siya sa sinabi nito. She don’t usually talk kaya hinayaan na lang niya ang mga myembro ng club na mag-ingay. Inabala niya ang sarili sa pagtingin ng mga files ng club.

“Wala ka ng OJT, Xander?”, maya-maya’y tanong ni Liam dito. He was directly in front of her, sitting on the floor like the rest of the members.

“Wala akong pasok ngayon,” tipid na sagot ni Xander.

“Anong walang pasok? Ang sabihin mo Xander, tinatamad kang pumasok,” singit ni Jurais.

           

Nang tingalain niya ang kuyahin mula sa pagsusulat sa activity log book ng club ay nagkibit-balikat lang ito. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa pagsusulat. Wala din siyang mapapala kung pagsasabihan niya ito dahil ikakatwiran lang nitong mas matanda ito sa kanya.

           

“Hindi naman sa tinatamad Jurais, pero nakakasawa na ang dyosa na kasama ko doon kaya binabalikan ko naman ang dyosa ng club natin, di ba Veron?” lingon nito sa kanya. Inirapan lang niya ito. Ginulo ni Xander ang buhok niya saka binalik ang atensyon sa mga members.

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon