Chapter 11

1.6K 72 20
                                    

Note: This story has been edited. Some scenes and conversation had been change, and some chapters had been merge. I really am sorry for this, but if you are a HOA reader since the start, I suggest, you take time to find and note all the changes.

MOST COMMON QUESTION: Will the changes affect the story? Not much, but YES.

CHAPTER 11

Rape victim ang nanay ni Liam, ulit niya sa natuklasan. Veron was stunned. “I’m sorry” was all she managed to say.

“Don’t be. Hindi mo naman kasalanan”, wika ni Liam saka tumingin sa kanya. “Hindi ginusto ng nanay ko na makita ako dahil maalala lang niya ang mapait na nangyari sa kanya. She tried to abort me many times pero hindi pumayag ang magulang niya. In the end, napagkasunduan na lang nilang ipanganak ako at ilayo sa nanay ko. Doon na pumasok si Sister Ella. Pagkatapos akong ipanganak ng nanay ko, ibinigay na ako ng mga magulang ng nanay ko dito sa ampunan kung saan na ako lumaki.”

“Tinangka mo ba silang hanapin para makita man lang sila?” bago pa niya napigilan ang sarili ay naitanong na niya iyon.

“Ang tatay ko, hindi ko na hinanap. Ang alam ko lang ay nakakulong siya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya pero mabuti na din ang sigurado na hindi ako makakapatay.” Noon lang niya nakitaan nang nakakatakot na aura si Liam. Nagtangis ang bangang nito. “Pero hinanap ko ang nanay ko.”, muling lumambot ang ekspresyon nito. “Katatapos ko lang ng high school nang mapagdesisyunan na ilipat sa Manila si Sister Ella. Bago siya umalis, pinaliwanag niya lahat sa’kin. Ibinigay din niya ang adres ng pamilya ng nanay ko kung gusto ko silang makita. Nagpatumpik-tumpik pa ako noong una, pero sa huli, ginusto ko pa din makilala ang nanay ko.”

Bumuntong-hininga ito. She wasn’t sure but for a moment she though Liam’s eyes had gone watery. “But it was too late. Namatay na pala ang nanay ko isang taon pagkatapos niya akong ipanganak. Hindi alam ng pamilya niya na mahina ang puso niya. At may naging komplikasyon ng ipanganak niya ako. They tried to save her. Pero isang taon lang ang naidagdag nila sa buhay nito.”

Hindi malaman ni Veron ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano mapapagaan ang nararamdaman ng binata. Mas mabuti siguro kung umiyak ito. Pero hindi. Liam sits there with a calm face. Even his voice is strong. Kung hindi dahil sa mga mata nitong nakatingin sa malayo ay hindi mo malalaman kung gaano kahirap para dito ang ikwento ang mga bagay na iyon. If not for his eyes, no one would know the sadness beneath his happy façade. No one would know how he’s hurting inside.

“Ngayon ko lang ginustong mawalan ng emosyon ang mukha mo Veron.”

“Ha?”

“You better erase that sad face of yours. Mas mabuti pang blangko ang mukha mo kesa ganyan. I want nothing but a smile on that face.”

Veron continue looking at Liam. How can this man bother to care about my sad face while he’s bottling all his pain inside?

 

“Hindi naman ganun kasakit.”

HUNTER OF ARTEMIS (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon