026

445 25 1
                                    

Music.

On my way sa room nila Sugarcane para humiram ng libro ng literature. Nakakaloka kasi si Ma'am de Pindot. Walang magawa sa buhay kaya nagpa-assignment kahit bawal ang assignment na pinapadala sa bahay.

Inayos ko ang earphones ko.


Mamaya pala may gig ako sa bar. Nakakailang beses ko nang inaya si Bluemoon para panoorin ako pero never pa siyang pumunta para panoorin ako. Sad.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Bluemoon. Speaking Of! Tanungin ko kaya baka pumayag ngayon.

"Bluemoon!" tawag ng isang babae. May pagkakulot ang buhok niya at mahinahon ang mukha niya.

"Vanilla?"

Kilala siya ni Bluemoon? Ohh.

Baka kaibigan?

Napatigil ako sa paghakbang palapit sa kanila. "May gagawin ka mamaya? Samahan mo ako."

Napanganga ako nang makitang tumango si Bluemoon at pinaunang maglakad ang babae.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magalaw ang katawan ko dahil sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Napakagat ako ng labi.

Sinong hindi masasaktan doon?

'Wag dito, Muse.. 'wag kang umiyak..

Tumawa ako at napahawak sa dibdib ko. Kahit nanghihina ang mga tuhod ko nawala na sa isipan ko kung saan ako talaga pupunta at dahil lumalabo ang mga mata ko, tumakbo ako kung saan makakakita ako ng liwanag.

Nakikita ko ang room na walang tao ay pumasok ako roon at nagtago sa likod  ng pinto. Napayakap ako sa tuhod ko at napahawak ako sa bibig ko nang may pumasok din na isang babae at isang lalaki.

"Jazz. Kausapin mo ako.." sabi ng lalaki na tila parang nagmamakaawa.

"Tama na please. Busy ako."

What??

Alam kong masamang makinig sa ibang usapan pero wala akong magagawa kundi maghintay at huwag gumalaw dahil baka magkagera dito.

"Jazz.. baby."

"Huwag, Rock.. actually.. uhm.."

Rock? What? HINDI NGA?

Shookt talaga!

"Makikipaghiwalay ako sa'yo. Dahil ayoko
nang magpanggap."

Jazz Gomez? Ang Student Council House Representative?

"Besides. Duty Calls." Paalis sana siya pero pinigilan siya ni Rock.

"Baby.. please." Weird. May ganitong side din itong Batong ito.

"Rock.. I guess, kailangan mong magpakatotoo. Tago lang ba talaga relasyon natin? Oo, naging tayo. Pero alam ba ng barkada mo? Alam ba ng buong Delin North? Please grant my side, Baby. I know it's hard for us pero let's be ourselves."

"Handa na akong ipakilala ka, Jazz. Ikawㅡ"

"Bawal sa council. Hindi ba? Hindi mo na ba natatandaan?" Napayuko si Jazz. "Baby.." bulong pa niya at mukhang nahihirapan siya.

"I-ikaw ang mahal ko.." bulong ni Rock at nagsihulog ang mga laman loob ko. Nakakadiri! Isang bato? Magmamahal? Isang malaking HAHAHAHA! Imposible!

"I'm sorry, Rock. Naubos na ang nararamdaman ko sa'yo.. hindi ko kayang ibigay sa'yo ang time ko. Sorry. Wala na talaga."

Okay nawala ang pandidiri ko nang makita siyang naluha. Nanatili akong tahimik hanggang sa umalis din siya.

Dahil nga si Rock ang nakikita ko ngayon, gusto kong asarin siya sa nalaman ko pero parehas pala kami ng nararamdaman sa mga taong mahal namin.

I want to joke around but I remembered that heartbreak is not a joke.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon