051

135 13 7
                                    

Music.

"Rock, penge nung lumpia."

TANGINA! Hindi man lang ako pinakinggan at lumingon! Ang layo-layo naman kasi nung lumpia sa serving table. Lunch na at hindi pa niya ako pinapansin simula kaninang umaga.

"Lumpia sa'yo?" Napalingon kaming dalawa sa sumingit sa pila. Si Side. Hay! Buti na lang! Itong bato kasi hindi ako pinapansin. "Ilan sa'yo?" tanong niya at inabot ang tong sa mga lumpia.

"Dalawa. Thank you," nakangiti kong sabi at napangiti rin siyang nilagyan ng tatlong lumpia kaya napatingin ako sa kanya. Hindi na ako nakaangal kasi gusto ko rin naman ng lumpia.

"Ano pang gusto mo?" tanong pa niya at tinuro ang muffins.

"Isa lang, Side. Isa lang," pabirong paalala ko pero dalawa ang kinuha niya at nilagay sa plato ko.

"Papatabain mo ba ako?" natatawa kong tanong.

"Cute ka pa rin naman kung chubby ka na." Napailing ako nang makita ang lawak ng ngiti niya. Ang cute niya kasi. Nilagay ko na lang ang isang muffin sa hawak niyang plato.

Aabante na sana kami sa pila pero nakatayo pa rin si Rock sa kinatatayuan niya at kunot-noo kaming pinapanood ni Side.

Nang nahuli namin siyang nakatingin sa amin ay napairap siya at naglakad para umupo sa harapan ni Sir Makaewan. Hindi man lang kumuha ng dessert. May cup pa ng buko pandan doon at hindi siya kumuha. Amp.

"Bakit ka pala andito? Ayaw mo sa kaschoolmates mo?" tanong ko at kumuha ng dalawang cup ng buko pandan.

"Ayaw kong magpautos sa kanila. Hindi naman ako katulong," inis niyang sabi pero natatawa naman siya kaya naghanap na kami ng mauupuan. Buti may bakante pang lamesa sa tabi ng inuupuan nila Rock kaya doon kami pumwesto ni Side.

Pero bago pa ako makaupo sa inuupuan ko ay nilapag ko ang isang cup ng buko pandan kay Rock.

"Ano bang inuutos sa'yo?" tanong ko nang umupo na kami at nagsimulang kumain.

"Hay nako! Pinapaalam sa akin kung ano ang pangalan ng sinasabi nilang Ms. Hakdog. Eh hindi ko naman alam pinagsasabi nila dahil hindi naman ako nakikinig sa kanila," pagrarant niya kaya napapaayos ako ng upo ko at hindi ko magawang makatingin sa kanya.

"Taga-DNA raw. May iba pa ba kayong babaeng kasama?" tanong niya at lumingon-lingon pa sa paligid.

"Ako.." sagot ko sa gitna ng mga ubo ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ha?"

"Ako 'yung Ms. Hakdog.." awkward akong tumawa kaya awkward din siyang tumawa na naguguluhan sa sinasabi ko. Pero pagkatapos maalala ang sagot ko ay nanlaki ang mga mata niya.

"Shet? Ikaw?"

Sumenyas ako na huwag siyang maingay kaya napatango siya at nagpatuloy sa pagkain niya. "Kailangan mong magtago sa kanila," bulong niya kaya napatango ako.

"True."

Napasulyap ako kay Rock sa pwesto niya at nakahinga ako nang maluwag nang makitang kumakain siya ng binigay ko sa kanyang buko pandan.



Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon