Music.
"Inaantok na ako," bulong ni Mommy na nakahiga sa dibdib ni Daddy. Parang nasa kwarto lang sila. Si Kuya naman ay nakapatong ang mga paa sa mesa at halos ubusin ang isang gallon na ice cream.
At ito kami ni Rock, magkatabi at naiirita sa isa't-isa. Malapit nang matapos ang Love You To The Stars And Back. Nasa bandang ioopera na si Joshua. Malapit na talaga. Malapit ko nang sakalin ang nasa tabi ko dahil naiinis na talaga ako.
Siguro hindi ko namamalayan nahindi pa tapos ang movie at napasandal na ako sa sandalan. Kailan pa ba 'to matatapos?
"Ano? Suko na kaagad?" tanong ni Rock sa tabi ko kaya kunwari hindi ko sinasadyang
matamaan ang panga niya sa pag-unat ko. "Aray!""Ay sorry." Note the sarcasm pero biglang sumingit si Daddy sa amin. "Ehem?"
"Daddy, nanonood po ako," agad kong sinabi kaya napailing siya. Bumalik ang pwesto niya sa pagyayakap kay Mommy.
"Mag-ccr lang po ako!" sigaw ni Simon at tumalon pababa sa sofa at tumakbo palayo.
"Ito, Ready Player One."
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Dad. "Yehey! Favorite ko!"
Nagsimula ang movie at alam na alam ko ang mga nangyayari kasi halos paulit-ulit ko lang 'to pero hindi ako nagsasawa. Kasi naman eh! Ang astig ng kwento at ang screenplay. Parang totoo talaga! Ang gwapo pa ni Wade Watts.
"Pwede kang umusog don?" Siniko ko si Rock kaya inis siyang tumabi kina Mom. Oops. Wrong move. Sumbungero pala 'tong lalaking 'to!
"Mommy, Daddy. Si Muse oh!"
NAPAKASUMBUNGERO! SIPSIP!
Napatingin sila sa akin kaya napanguso nalang ako. Mas kinakampihan pa nila ang bato kaysa sa anak nila!
Hindi pa nangangalahati ang movie at tumayo na si Dad, bitbit ang natutulog na si Mom. "Kayo na bahala diyan ah? Tulog na ang mom niyo. Bukas nalang ulit."
"Goodnight po."
"Night." Maingat siyang naglakad papunta sa kwarto nila kaya naiwan kaming dalawa ni Rock sa sala. SINASADYA BA NILA ITO?
"Ahh. Alam ko na kung bakit favorite mo ang movie na 'to." Napatingin ako kay Rock na nakakunot ang noo. Ano naman iniisip nito? "Kamukha ni Wade Watts si Bluemoon."
Okay. Tama siya roon.
"Kung ano na pinag-iisip mo, manood ka nalang nga!" sigaw ko at binato siya ng isang pirasong popcorn kaya natawa siya. Akala naman niya, ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang sando at pajama. Nakababa ang bangs niya at halos matakpan ang mga mata niya. Kitang-kita ko rin ang jawline niya at ang side features niya kaya naiinis ako lalo. AKALA NIYA GWAPO SIYA? PWES. HINDI.
"Sus. Titig na titig sa akin kanina," pang-asar niya kaya sinasadya kong umunat para tamaan ulit ang mukha niya.
"Ay sorry. Sinasadya."
"Ano bang problema mo?! Ganyan ka ba kagalit sa akin?!"
"Oo! Bakit ka pumayag na ako kasama mo sa seminar?!"
"Aba! May workshop doon at kailangan ko 'yun!"
"Dapat umayaw ka!"
"Ikaw nalang ang umayaw since ayaw mo akong kasama!"
"HMMP!"
Okay, ako na natalo. Gustong-gusto kong
umattend nun pero kasama ko itong lalaking 'to. SINONG MATUTUWA?!"Ingay mo. Tsk."
OH SIYA PA ANG GALIT!
"UMUWI KA NA. PUNYETA KA SINISIRA MO GABI KO!" Dinaganan ko siya para sakalin pero nilalayo niya ang mukha ko gamit ang kamay niya.
"HOY, GANYAN MO BA TRATUHIN ANG BISITA NIYO? ALAM MO BA ANG SALITANG HOSPITALITY?"
"GAGO WALANG WORD NA GANUN SA'YO. HALIKA. IPAPAHOSPITAL KITAㅡ" Punyeta hindi natapos ang pagsigaw ko dahil nanghina siya bigla kaya napangudngod ako sa leeg niya. Gulat na gulat kami sa nangyari sa amin kasi nasa ibabaw niya ako at mukha kaming nagmimilagro nito dahil sa pwesto namin. Putangina.
"HAYOP! LIVE PORN!" sigaw ni Kuya sa likuran namin kaya tinulak ako palayo ni Rock.
"KUYA! WALA 'YUN!" Sana hindi kami marinig nila Mom. Huhuhu.
Nakanganga pa rin siya at nagslowclap kaya napakunot ang noo ko. Ramdam na ramdman ko na tagaktak ang pawis ko. Kaloka.
Ako ang kapatid niya pero kay Rock siya tumabi.
"Muse. Matulog ka na." Bigla akong natakot sa boses ni Kuya kaya agad akong tumayo. Saktong pagtayo ko, nagsalita ulit si Kuya.
"Alam mo ba? Dalawa ang nakatayo ngayon?" Anong pinagsasabi ni Kuya? Ako lang naman ang nakatayo sa amin. Sila ni Rock, nakaupo.
Nagtaka ako kung bakit nakangisi siya habang akbay-akbay si Rock na nakatingin sa malayo. Anong pinasasabi niya? "Sige na. Pumunta ka na sa kwarto, Musey. Nighty!"
Napatango ako at tumalikod na. Wala akong magets.
Bago pa ako makalayo, ay narinig ko pa ang asar ni Kuya kay Rock, "Ikalma mo 'yan. Baka hindi na 'yan makatayo kung may mangyaring hindi ko magugustuhan."
Pamsinsan talaga, hindi ko talaga maintindihan ang kuya ko.