053

99 8 2
                                    

 
 
2:38PM

Simon:

Saw your vid sa seminar niyo

ANG GALING GALING HUHUHU

I'M PROUD

Music:

HA??

Paano mo mapanood kuya??

Simon:

Ah

Simon forwarded a video.

Sinend ni Rock sa group chat namin,,

Tapos may chat pang

"Sino ba nanak8 d2"

So, kapatid, sinong nanakit sa'yo?

Music:

Ha?

Wala kuya! HAHAHAHA

Pawang performance lang

Weird naman siguro kung kinakanta ko 'yung sad song na nakangiti ako 'di ba?

Simon:

Oo nga 'no

May point ka rin doon

HAHAHAHAHAHAHA

---

5:03PM

Bluemoon:

Can we talk?

Right now.

    
  
  
 
  
Pagkabasa ko ng message ni Bluemoon ay agad kong inayos ang mukha ko. Wala na akong time magmake-up. Tamang punas na lang gamit ang baby wipes para matanggal ang pagkakintab ng mukha ko.

Napatingin ako sa bintana, padilim na kaya tumakbo na ako palabas ng bahay namin. Nakita ko na siya sa gitna ng kalsada kaya lumapit na ako sa kanya. Pinipigilan ko ang ngiti ko dahil after all these months, makakausap ko ulit siya.

"Hi," bati ko kaya dahan-dahan siyang napalingon sa akin. Simpleng black tshirt at pants lang ay ang lakas ng tama sa akin. Pero nanlamig lang ako sa mga mata niyang walang kabuhay-buhay.

Nang nasalubong na niya ang mga tingin ko ay saglit siyang napaiwas ng tingin. Mukhang nagdadalwang isip pa siya sa sasabihin niya.

"Anong pag-uusapan natin?" mukha akong batang nagtatanong habang nakayakap sa sarili ko. Dapat siguro, nagpalit ako ng tshirt kasi masyadong fit sa akin ang suot ko ngayon. Nacoconscious tuloy ako.

"Sabihin mo na kung ano ang kailangan mong sabihin," diretsong sabi niya kaya nanlumo ang buong katawan ko. Pinipilit ko pa ring tumayo kahit gusto kong mapaupo dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

"Ha..?" Nabasag na ang boses ko kaya napakagat ako ng ibabang labi. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon