Rock.Ilang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin ako makamove on sa natanggap kong chainletter. Nakakatanggap naman ako ng chainletters na texts pero hindi ko naman pinapansin. Bahala nang malasin sa buhay. Pero sa natanggap kong letter (nakatypewriter pa ah) ay hindi ko iaasahan na matatakot ako nang slight.
Hayop 'yung malaking tengang Seagull na 'yun! Nakakasira ng buhay.
Siguro 'yun ang dahilan kung bakit hindi na ako maattract sa ibang babae dahil sumpa ang letter na 'yun. Nagtanong naman ako kay Martin na pumangit ba ako dahil hindi na ako pinapansin ng ibang babae lalo na 'yung taong gusto.
HiNdI kA mAgUgUsTuHan Ng tAoNg gUsTo Mo
Hakdog kamo.
Si Jazz, gusto ko siyang kasama. Masyado na akong nasanay sa kanya kahit bawal sa council nila. Hindi ko rin masabi sa Sabgwa dahil 'yun nga ang problema. Ngayon, nakipaghiwalay siya sa akin matapos kong matanggap ang chain letter.
Hayup 'yung letter na 'yun.
Pati ni Seagull.
"Rock? Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay Jazz na kakabukas ng gate nila.
"I really likeㅡdamn it. I love you. Please. Please come back to me baby.. hindi ko kaya.." Hindi ko ineexpect na ganito ako maattach sa kanya simula noon. Akala ko nga ay laro lang pero iba na pala.
"I told you, wala talaga na akong nararamdaman sa'yo, Rock. This is also for you."
Napapikit ako at dinamdam ang lamig na dumadampi sa balat ko sa alas tres ng umaga.
"Isa pang chance, Jazz. I wanna prove you that I love you so much." I need to do this. Hindi ko kaya kung wala siya.
Napakamot siya sa batok niya at naglakad palapit sa akin.
"Sorry, Rock. I really want to give you the chance I'm willing to give but wala akong time sa'yo. Busy kami ngayon ng Council."
So, nirereject niya ulit ako?
Napalunok ako. Kailangan ko maging matatag. Hindi ako makaiyak kahit ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko.
"'Di ba ngayon 'yung Musika La Navidad? Maghanda ka na. Kasi aalis na kaming council pag4:30. May workshop kami sa kabilang school."
"Jazz." Napatingin kami kung saan nanggaling ang boses at andoon ang sobrang pamilyar na pagmumukha kahit wala pang liwanag. Ang ex niya.
"Vince.."
"Ah okay." Tanging nasabi ko at binigyan ang distansyang gusto niya.
- - -
Hindi na ako nakatulog nang nakarating ang
van na sasakyan namin para sa workshop na pupuntahan namin. Kahit ang bigat ng mga mata ko, hindi ko maipikit dahil kung pipikit ako, sila ang makikita ko.Kasalanan ata 'yun ng chain message. Okay pa naman kami dati ni Jazz ah? Tsk.
Magmomove-on na lang talaga ako. Besides, may iba naman si Jazz. Baka ako lang talaga ang naghahabol dati at nag-expect sa relasyong meron kami.
Tama, magmomove-on na ako.
Papunta kami ngayon kina Seagull para kunin siya. Ewan ko ba, wala ako sa mood para asarin siya. Para ngang gusto kong sapakin kahit babae 'yun kaso alam kong mag-aaway lang kami. Kailan ba kami hindi nag-away 'di ba?
Naniniwala ako sa gender equality. Hayaan niyo suntukin ko ang babaeng 'yun.
"Rock, pakitawagan si Muse. Pakisabi andito na tayo," sabi ni Sir Makaewan kaya napahawak ako sa batok ko. Akala ko pa naman hindi ko papansinin 'yung babaeng 'yun.
Kukunin ko sana ang cellphone ko para tawagan si Seagull pero bumukas na ang pintuan ng van.
Kasabay ang pagtugtog ng Too Much Heaven ng Bee Gees sa radio.
"Nobody gets too much
heaven no more
It's much harder
to come by
I'm waiting in line.""Sorry po kung natagalan ako." Napatitig ako kay Music na nakasilip sa van. Nakatali ang buhok niya at may mga maninipis na buhok na nakaharang sa mga mata niya. May suot siya maluwag na itim na hoodie kaya naging maliit siya lalo.
"Nobody gets too much
love anymore
It's as high as a
mountain
And harder to climb."Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Habang inaayos niya ang bag niya sa harapan, habang kinakausap siya ni Sir Makaewan, habang nagtatawanan sila at kahit maliliit na galaw niya ay parang naappreciate ko sa oras na 'to. Parang gusto ko lang siyang titigan.
Lalo akong nabigla nang napatingin siya sa akin. Sinalubong niya ang titig ko sa kanya kanina pa at wala siyang binibigay na reaksyon. Seryoso lang din siyang nakatingin sa akin.
Ano 'to?
Bakit hindi ko magawang makapagsalita?
Bakit ang dali ko namang nakamove-on?