043

162 3 3
                                    

 
  

Music.

Hindi ko maintindihan 'yung Bato na 'to ngayon. Simula pagpasok ko sa van hanggang sa biyahe na ay hindi ako kinakausap. Kahit asar ay wala. Nakakapanibagong naninibago ako. Ang weird. Naalala ko na kaninang umaga, inaasar pa ako sa chat tapos ngayon napakatahimik. May nangyari ba?

Ang awkward lang kasi na nakapatay na ang radyo sa loob ng van at tanging hilik lang ng mga teachers ang naririnig namin ngayon. Kami lang tatlo nila Rock at Kuya Driver ang gising sa biyahe.

Shet, gusto kong magsalita.

"Uh.."

"Uhm."

Saktong pagsalita ko ay magsasakita rin sana si Rock kaya napatingin kami sa isa't isa.

Nawala ulit ang sasabihin ko dahil naninibago
ako kay Rock. Tsaka iba ang aura niya ngayon kaya napabuntong hininga na lang ako. Nakatingin pa rin siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko pero pinili ko na lang na manahimik at sinuot ang earphones ko.

Magkatabi lang kami at pakiramdam ko, bato talaga ang katabi. Wala man lang kabuhay-buhay.

Imbis na siya ang isipin kong buong biyahe ay pinalakas ko ang pinapatugtog ko. Napapikit ako at lihim akong napangiti nang makita si Bluemoon sa isipan ko.

Palagi akong nag-iimagine ng mga scenarios na imposibleng mangyari sa reyalidad. At sinasaktan ko rin ang sarili ko sa mga iniimagine ko. Tulad ng magkasama raw kami ni Bluemoon, nagtatawanan, nagkukwentuhan at iba pang ginagawa na makikilala namin ang isa't isa.

Oh 'di ba, imposibleng mangyari?

Sobrang imposibleng mangyari.

"Apo Hiking Society."

Na-pause ko ang pinapatugtog ko at napatingin kay Rock na nakatingin sa akin.

"Ha?"

"Apo Hiking Society ang pinapakinggan mo."

Napatingin ako sa phone ko dahil nakalimutan ko ang mga ginawa ko kanina. Nag-imagine ako tapos nakakalimutan ko na ang pinapakinggan ko. "Oo, Apo Hiking Society nga," natatawang sabi ko habang tinignan ang playlist kong puro kanila nila ang nakalagay.

"Mahilig ka sa mga kanta nila?"

Napatango ako ng maraming beses at nakaramdam ako ng gaan sa balikat ko. Interesado bigla ako kay Rock. Mukhang gusto rin niya ang topic na inopen niya.

"Ikaw rin?"

Napatango rin siya kaya napangiti ako. Parehas kami. Nakakamangha lang. Bata pa lang kasi ako, napalapit ako sa mga classic songs dahil 'yun ang pinapatugtog nila Mom. MapaTagalog at English man.

"Apo Hiking Society gusto niyo? Tamang tama!" Mukhang narinig ni Kuya Driver ang pinag-uusapan namin at pinatugtog ang radyo ng van at Panalangin ang pinatugtog.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Atlast! May nakilala rin ako na mahilig sa mga kantang
pinapakinggan ko. 'Yung iba kasi puro makabago ang pinapakinggan nila.

Napapangiti rin si Rock kaya medyo nanibago ako nang sobra.

"Alam mo, medyo weird pero sasabihin ko sa'yo, pagmay asawa na ako. Isasayaw ko siya habang pinapatugtog ang..."

"Ang Yakap sa Dilim nilang kanta?" dagdag ko pero hula ko lang 'yun siya sa akin at nakawala ng isang mahinang tawa.

"Paano mo nalaman?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso? Hula ko lang 'yun! 'Yun din kasi ang gusto kong kanta sa mga moments na 'yun."

"Ilarawan mo 'yung moment na naiisip mo." Parang interesado rin si Rock kaya parang gusto ko rin magdaldal.

"Hmmm, nasa kwarto, pinapatugtog ang Yakap sa Dilim, tapos sa lahat ng problema, yakap lang ng mahal mo ang sagot at medisina. Hanggang maya-maya, ipapakita nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Parang nag-iisa ang katawan nila dahil sa pagmamahal nila." Ewan ko pero comfortable ako sa mga salita ko kahit lalaki si Rock. "And I guess, that's beautiful." Napabuga ako ng mahinang tawa habang inaalala ang mga sinabi ko.

"Damn, yes."

"Hakdog ka. Gusto mo lang ng ganun kasi may siping," pagbabasag ko sa kanya kaya agad siyang napailing.

"Hindi ba, sabi mo maganda 'yun. Kasi pinapakita nila na mahal na mahal nila ang isa't isa." Napakibit-balikat nalang ako sa sinabi niya. Halos lahat naman ata kasi gustong humantong sa ganun kasama ang mahal nila.

"Pero sa ngayon, ayoko ng ganun kasi magagalit si Mommy," nasabi ko na lang. Kahit naman magkaboyfriend ako, hindi talaga papayag na isuko ang bataan.

"Pero kung dumating na 'yung the one, tapos magpakasal na kami.. olrayt! Unlimited!" Tumawa ako nang malakas dahil kung anong pinagsasabi ko.

"Seryoso ka? Unlimited?"

"Mahal ko eh." Nang kumalma ako napatingin ako sa kamay ko.

"Uhm, how about Air Supply?" Napatingin ulit ako sa kanya at napatango ng maraming beses.

"Yas boi!" Balak ko sanang magsalita pero napansin kong namumula ang tenga niya kanina pa. Pero inunahan nanaman niya ako.

"Bread?"

"Yes! Yes! YES!" Nah-hype talaga ako basta ganito ang usapan. Puro kanta. Kasi dito ko rin makikilala ang tao kung ano ang music taste nila. Kung anong meron sa puso nila. Pero para sa akin lang 'yun.

"Hmm, ano pa?"

"Bee Gees? The Beatles? South Boarder? Orange and Lemons? Parokya ni Edgar? Eraserheads?" sunod sunod kong tanong pero napabuntong hininga siya.

Nagtaka ako doon.

"Bakit ngayon lang kita nakilala?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sa reaksyon niya ay nakikinig siya sa mga sinabi kong banda.

Parehas kami ng taste, nakakaloka. Puro kami asaran at away, dati pero marami pala kaming pagkakapareha. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Lolo Romeo. Tama siya.

"Sige." Nilahad niya ang kamay niya. "Bati tayo hanggang matapos ang workshop. Pero pagbumalik na tayo sa school, balik tayo
sa pag-aaway."

Natawa ako sa alok niya pero kinuha ko ang kamay niya sabay sigaw na, "Game!"

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon