054

95 7 0
                                    

 
  
  
 
5:08PM

Rock:

Yow

Andito ako sa sala niyo

Nagdala ako snack!!

5:18PM

Rock:

Anu teh

Di bababa?

5:26PM

Rock:

Magmomovie marathon kami ngayon nila Mommy Selena

Baba ka na

'Yung palabok lalamig na

8:33PM

Rock:

Uso reply ah

Kanina pa ako kumakatok sa pintuan mo

Muse

 
  
  
Nakapikit pa rin ako habang iniinda ang sakit ng ulo ko. Kanina pa silang kumakatok sa pintuan ko pero hindi ko binubuksan. Pinipilit ko lang matulog pagkatapos mapagod ang mga mata ko sa pag-iyak.

Pero magigising akong manhid at tulala sa paligid.

"Music. Hindi ka pa raw lumalabas d'yan." Narinig ko ang boses ni Rock sa labas ng kwarto ko at paulit-ulit kumakatok sa pinto.

"Kumain ka na ba?" tanong pa niya pero hindi ko sinasagot. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan at pilit matulog.

"Lalabas ka ba o sisirain ko ang pinto?" pagbabanta niya kaya inis akong bumangon para lumapit sa pintuan para sumagot.

"Nagrereview ako," sagot ko at kumatok din.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Maya-maya. Kailangan ko 'tong mamemorize," pagsisinungaling ko kaya hindi na siya sumagot. Mabuti na lang naniwala siya kaya bumalik ako sa higaan ko para matulog ulit.

Ilang araw na akong hindi masyadong lumalabas. Kung pumapasok man ako ay tahimik lang ako. Kumakain pa naman ako kahit kaunti at idadahilan kina Mom at Dad na kumain ako sa labas kaya kaunti lang ang kinakain ko.

Kahit wala akong gana ay kumakain pa rin ako para hindi mag-alala sila Mom. Nagpapanggap din akong okay pero pagpapasok sa kwarto ay matutulog lang ako.

Siguro, ngayon lang 'to. Mawawala rin 'to.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon