060

117 9 1
                                    

 
 
Music.

Hindi pa ako nangangalahati sa binabasa kong script nang may bumabato ng maliit na bato sa sliding door namin sa terrace. Napatingin ako sa orasan at napakunot ako ng noo nang makitang 7 PM na. Masyado na akong nababad sa pagbabasa at pag-iimagine ng mga magagawa ko sa role ko. Hindi ko talaga mapigilang maexcite! Halos makalimutan ko an ang tunog kanina sa sliding door namin.

Baka hangin lang 'yun kaya binalik ko ang pagbabasa ko sa script. Kasisimula ko pa lang ipagpatuloy basahin ang mga lines nang may tumunog na naman sa sliding door ko. Agad akong tumayo at sumilip sa terrace. Nakakaloka rin. Baka may masusuntok ako sa oras na 'to. Lakas manakot eh.

Nagulat ako nang makita si Bluemoon sa baba ng bahay namin.

Naningkit ang mga mata ko para tingnan siya nang maiigi. May dala siyang ice cream! Nagdadalawang isip pa akong bumaba dahil baka maging awkward kasi ngayon lang ulit kami mag-uusap matapos ang nangyari sa labas ng bahay namin. Naalala ko

Habang naglalakad ako palabas ay narerealize kong... hindi na masyadong masakit? Parang naglaho bigla ang nararamdaman ko at heto na ako ㅡ sa harapan niya. Medyo magaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko inexpect na wala akong maramdamang sakit tulad dati bukod sa awkwardness.

"Ice cream?"

Pumasok na kami sa loob ng bahay namin. Wala pa sila Mom at Dad dahil baka mamaya pa silang uuwi galing work. Si Kuya, mukhang nasa kwarto niya. Narinig kong nagpapatugtog ng kanta ng Aerosmith na I Don't Want to Miss a Thing.

Napasulyap ako kay Bluemoon na binubuksan ang paborito naming flavor ng ice cream. Saka ako naglapag ng kutsara't mga baso.

"Congrats sa role mo," sabi niya kaya napatango ako.

"Congrats din sa'yo," pagbati ko pabalik kaya nabalutan kami ng katahimikan habang kumakain ng ice cream.

"Kumusta?" pangangamusta ko. Parang nahihirapan ako magrecap sa utak ko ngayon sa nangyari. It's better to start on a clean page.

"Medyo.. okay? Ikaw?"

"Okay na okay," sagot ko habang tumatango nang maraming beses.

Katahimikan na naman. Naku naman!

"Galit ka ba sa akin?" tanong niya kaya naibaba ko ang baso ko para tingnan siya.

"No!"

"Bati na tayo...?" mahinang tanong niya kaya natawa ako. Bluemoon na Bluemoon! Napangiti tuloy ako nang makita ulit ang side niyang 'yan.

Habang kumakain ng ice cream ay nagkukwentuhan kami para sa parating na musical play at debut ni Cane.

At napapansin kong medyo nag-iiba ang aura niya tuwing nababanggit siya.

"Ang ganda pala ng boses mo. Pinapasabi ni Vanilla." Napaangat ang magkabilang kilay ko dahil sa binanggit niya. Nagtatanong ako about kay Vanilla pero wala siya masyadong nababanggit kaya tumahimik na lang ako.

Nagkalinawan na kami sa mga mangyayari at sa nangyari. Ang focus namin ay ang role namin sa musical play at binibiro ko pa siya sa role namin na pinagtagpo ngunit hindi tinadhana kaya iniismiran niya lang ako. Mukhang inaasar kami ni Cane ah!

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon