031

349 17 4
                                    

Music.

"Ano nanaman ang kailangan mo, Kuya?" tanong ko kay Kuya na may nilagay na burger sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at mukhang may kailangan nga.

"Ganito kasi, aking pinakamamahal na kapatid." Inayos niya ang upo niya. Magsasalita pa sana siya nang makita ko si Weeya sa likuran niya.

"Hi Weeya!"

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Kuya kasi paalis siya. Hinila ko ang uniform niya at pinaupo siya pabalik. "Halika, Weeya!" Kahit naiilang si Weeya sa ngiti ko, pinaupo ko siya sa tabi ni Kuya kaya natawa ako sa reaksyon nila. Parang awkward na ngiti.

"Ano nga ulit sasabihin mo Kuya?" tanong ko kaya ngumiti si Kuya na parang bubugbugin ako mamaya.

"Wala nakalimutan ko naㅡ"

"Hi Bluemoon!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Weeya kaya napalingon ako. Kumunot ang noo ko nang marinig silang tumawa kaya hinarap ko sila. Pinagkatuwaan pa ako!

"Alam niyo bagay kayo. D'yan na nga kayo," pikon kong sinabi kaya nagtawanan lang sila. Tumayo ako at iniwan sila roon. Ugh, nagugutom ako. Hindi ko nakuha 'yung burger na binigay ni Kuya! Napag-isipan ko na babalik kina Kuya pero nakita kong hinati niya ang burger ko at kumain silang dalawa.

TAKSIL! HUHU.

Okay, gutom na ako.

Pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Bluemoon mula sa kalayuan pero naglalakad sila palapit sa direksyon ko. Oh.

Kasama niya ang babae. Busy siya sa pagbubuklad ng notebook.

"Bluemoon. Ang ganda ng sulat mo," pagpupuri niya kaya napatango si Bluemoon. Hinila niya ang babae palapit sa kanya dahil muntikan na itong makabangga ng nakakasalubong nila.

Ang sakit.

Ang sakit pa rin pala.

Okay, umiiyak ako. Pero walang lumalabas na luha. Kasi umiiyak ako sa loob ko. Nagwawala ako sa loob ko. Ang hirap naman kasi eh. Bakit ganun?

Nagkatinginan kami ni Bluemoon saglit. Hindi ko kayang ngumiti. Hindi ko kaya.

"Hey," bati niya at ang nakakainis ay nawala saglit ang sakit. Parang naglaho bigla.

"Uy, Blue." Tinanguan niya ako at pumasok na sila sa loob ng cafeteria.

Paglagpas nila sa akin ay bumalik ang sakit na saglit na nawala. And worse, lumala ito.

"Oh! Ms. Seagull!" Nagsuot ulit ako ng maskara nang makita si Sir Makaewan.

"Oh! Sir Makaewan!" panggagaya ko kaya pabiro niya akong pinalo sa braso. Ganito siya kaclose sa mga estudyante niya. Kung pwede lang nga ata, paluin ko rin braso niya kaso nakakalimutan konh prof pala siya rito.

"Mabuti nalang  nakita kita. Next week kasi, may seminar. Musika La Navidad. About musical play, theater, and anything about acting and singing. Since ikaw ay may potential sa mga ganun, sumama ka sa seminar."

Wow.

"So convincing.." pagpapuri ko kay Sir kaya napailing siya. Pumalakpak pa ako para hindi siya madismaya.

"Kayo ni Domingo ang pinili ko."

Wait what?

"What? Sir, pakiulit?" Nilinis ko ang tenga ko
saglit at siniguradong wala akong earphones na suot.

"Kayo ni Domingo ang pinili ko para umattend ng seminar."

Kumunot ang noo ko. Parang may umihip sa akin ng isang napakabahong hangin kahit mabango si Sir. "Sinong Domingo, Sir?"

Baka naman hindi 'yung kakilala ko 'di ba?

"Ano ka ba? Hindi mo kilala?"

"Nagsusure lang po hehehe."

"Si Rock!"

Oh packing sheet.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon