Music.
"ANO SIR? IISA LANG ANG ROOM NAMIN NI ROCK?" napasigaw ako dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hindi ito maaari! Hindi ito ang inaasahan ko! Akala ko pa naman masosolo ko na ang kwarto ko! Papakiramdaman ko na bakasyon ko ngayon!
"Sir naman," angal din ni Rock kaya napakamot na lang ng batok si Sir Makaewan.
"Kasi isang room lang ang nakareserve para sa school natin, dalawa lang kasi kayo. Hindi ko tuloy nasabi na isang lalaki at isang babae. Iba rin kasi 'yung building naming mga teachers. 'Yung ibang schools, dalawang babae, dalawang lalaki ang dala kaya dalawang rooms ang sa kanila. Dalawa naman ang kama niyo, tig-isa kayo," sabi ni
Sir Makaewan kaya napabuntong hininga ako."Tsaka, mabait naman 'tong si Rock. 'Di ba, Rock?" tanong pa ni Sir.
"Yes sir. Hindi ako papatol sa kanya."
Napatingin ako kay Rock. "Akala ko ba, bati tayo ngayon?"
Napatingin si Rock sa akin. "Gusto mo bang patulan kita?" Sounds wrong kaya napaiwas ako ng tingin. Anubayan.
"Pero, sir. Walang mangyayari," sabi niya at napatingin sa akin. "I promise," dagdag niya.
- - -
"Ugh, sige paaaa."
"M-Muse.."
"Sht, Muse.."
"Malapit na.. ugh."
Napapikit ako sa inis dahil sa trip nitong batong nasa harapan ko. Kung pwede lang sakalin 'to para tumahimik, gagawin ko na. Kaso may kailangan pa akong unahin.
Eh kasi naman. Nasugatan.
Eh kasi naman ulit, nages-stapler siya kanina ng schedule namin at nastapler niya ang daliri niya. Kaya ito, pinapadugo ko para hindi mamatay 'tong lalaking bato na 'to.
"Kapag ako, sumabay sa ungol mo, baka piliin mong matulog sa labas," asar kong sabi sa kanya kaya napatigil na siya sa kakaungol.
"Ito naman, joke lang nga eh!"
Napailing ako at naglagay na ng alcohol sa bulak. "Mahapdi 'to," paalala ko. Baka kasi tumili agad at magreklamo. Masapak ko pa siya.
"Mahapdi talaga, basta perstaym," sabi niya habang mariing nakapikit. At aba, double meaning.
Inaamin kong, I talk dirty sa mga kaibigan kong babae pero sa mga lalaki, nanahimik ako. Irita kong kinuha ang alcohol at binuhos sa daliri ni Rock.
"ARAY, PUTANGINA!"
"Bahala ka sa buhay mo. Naiirita na ako." Padabog akong bumalik sa kama ko at inayos ang mga susuotin ko bukas.
"Ang hapdi! Pota!" reklamo nung isa pero di ko pinansin.
At biglang may kumatok sa pintuan namin. Napatingin ako kay Rock para siya ang utusan ko pero nakadapa siya sa kama niya habang iniinda ang hapdi sa sugat niya. "Hay nako." Ako na lang ang tumayo at pununta sa pintuan.
Pagbukas ko ay nagulat ako nang may lalaking nakasandal sa doorway habang nakacrossed arms at seryosong nakatingin sa akin nang diretso. Nang makita ako ay nanlaki ang mga mata niya. Napaubo siya bigla at inayos ang tindig niya.
"Gusto ko lang ipaalala na maninipis ang mga dingding dito at naririnig naming taga-ASO ang inyong mga kasiyahan," sabi niya at doon ko narealize na ang gwapo ng lalaking 'to. Gwapo, maganda ang ayos ng buhok niya, at matino siyang tingnan. Pero pinakagwapo si Bluemoon. Periodt!
"Sorry but you missed the murder incident." Binuksan ko pa ang pintuan at pinakita si Rock na nakahiga na sa sahig dahil sa hapdi ng sugat niya.
"Oww. So, walang kasiyahang nagyayari?" Napailing ako sa tanong niya. "Ano ang
mga ungol?" Napairap ako at tiningnan si Rock. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki habang nag-iisip ng sasabihin ko."Trip lang niya."
Napatango siya.
"Wait, girl and boy sa iisang room??" Hindi siya makapaniwala. Chismoso din, ano?
"Ah, bakla siya." Kusang lumabas 'yun sa bibig ko at di ko alam kung tama ba 'yun. Naniwala naman 'to.
"Ahh. Hello pala."
"Goodbye," sabi ko at isasara ang pintuan pero pinigilan niya.
"I'm Roland. You can call me Roll."
"Okay." Isasara ko na ulit ang pintuan pero pinigilan na naman niya.
"Your name, my lady."
Pinakita ko na inirapan ko siya.
"Hak."
Napakunot ang noo niya.
"Hak?"
"Dog," dagdag ko tuluyang sinara ang pintuan. Bumalik ako sa kama ko at inayos ang damit ko.
"Oh, ano? Buhay ka pa ba?" tanong ko kay Rock at napabangon na siya.
"Taga-ASO 'yun?" Tumango na lang ako at kinuha ang mga damit pantulog ko.
"Academy of South Orwell." Napakibit balikat ako at naglakad papuntang CR.
Medyo kalayuan 'yun sa OPA (Oriel Phil Academy) at DNA (Delin North Academy). Meron ding mga taga-TAE (Trowen Academy of the East) na nandito. Kaya lang mga ano sila. Basta. Hindi naman sa Basher ako pero pakiramdam ko tumatahol ang mga taga-ASO. Just kidding.
"At nilandi ka na agad nun. Tsk," sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad papuntang CR at hinarap siya ulit.
"Hmmm. Actually, bagay kayong dalawa," sabi ko sabay turo sa kanya.
Napakunot ang noo niya.
"Kasi name mo, Rock. Tapos name niya, Roll."
Natawa ako.
"Rock and Roll!" Nagrock and roll sign pa ako sabay labas dila bago pumasok sa CR.