028

476 21 15
                                    

       
   

[ BARGONE ]

Tawanan, kwentuhan at iyakan ang bumati kay
Rock pagkapasok niya sa bar. Hindi niya pinansin ang mga tao roon at dumeretso sa upuan at hinihinitay na may umalok sakanya ng alak.

"Guess mine is not the
first heart broken."

Ilang beses siyang napatango dahil pilit niyang gustong tanggapin na wala na sila ni Jazz pero mahirap para sa kanya.

"My eyes are not
the first to cry."

"Anak?" Napaangat ang tingin ni Rock sa isang matandang lalaki na nakatayo sa tabi niya.

Nagulat ang Lolo at muntikang mahulog  ang pustiso niya buti nalang ay naisara niya ang bibig niya.

"I'm not the first to know there's
Just no getting over you"

"Binata ka pa!" gulat na sigaw ng Lolo at umupo sa harapan ni Rock. "Ilang taon ka na, Anak?" tanong nito at ang kaninang tigas ng puso ni Rock ay natunaw at napangiti.

"19 na po ako, Lolo."

"Anong ginagawa mo rito? Gusto mo bang uminom?"

"Opo. Alak po sana," sabi ni Rock pero nagdadalawang-isip pa siya dahil mas gusto niya atang makipag-usap sa Lolong nasa harapan niya.

"Hoy Roberto! May binata tayong costumer!" At maraming lumapit sa kanya na may edad nang mga lalaki't babae.

"But now there's
no way to hide.
Since you pushed
my love aside."

Habang pinaghahandaan ng pulutan si Rock ay napatingin siya sa kumakanta sa bar at isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis dahil nakita niya si Music na kumakanta ng isang lumang kanta. Hopelessly Devoted To You.

"I'm outta my head
hopelessly devoted to you
Hopelessly devoted to you
Hopelessly devoted to you"

"Anong pangalan mo, anak?"

"Rock po."

"Ah! Ikaw ba ang nobyo ni Muse? Nako! Ngayon lang kasi may pumunta na kaedad niya!" sabi ng isang Lola. Agad umiling si Rock kaya nadismaya si Lolo.

"Ako nga pala si Lolo Romeo. At siya ang Juliet ko." Kinindatan ni Lolo Romeo si Lola Julieta na nasa tabi ni Rock.

"Nako, Romeo. Tutusukin ko talaga ang mga mata mo kung kikindatan mo ako," pagbabanta ni Lola Julieta. Pinalo pa niya si Lolo Romeo sa braso nito. Natawa naman si Rock. Ang cute nilang dalawa.

"Mag-asawa po ba kayo?" tanong ni Rock at agad humindi si Lola Julieta at natawa si Lolo Romeo. "Parehas kaming single hanggang ngayon. Tagal akong sagutin eh." Pabirong nagflying kiss si Lolo Romeo kaya mas lalong natawa si Rock sa reaksyon ni Lola Julieta na nasusuka.

"Bahala ka na nga diyan. Rock Anak, Babalik ako ha? Punta ka na palagi rito ah??" Tumango si Rock pagkatapos ayusin ni Lola Julieta ang buhok ni Rock at pumunta sa mga kaibigan niyang nag-iinuman.

"Lolo, ano pong meron sa bar na 'to?" Napapansin kasi niya na puro matatanda ang nandito.

"Nakita mo ba ang malaking bahay na nasa tabi nitong bar?" tanong ni Lolo Romeo kaya napatango si Rock.

"Home for the Aged 'yun. Para saamin na wala nang pamilya na magsusuporta sa amin. Nagpasya kaming magpagawa ng Bar para pagkakitaan namin pero nalugi kami kasi walang pumupunta dito. Kaya kami na lang ang nakinabang na mga matatanda na. May sineserve kaming alak.Pero meron din kaming mga lutong bahay na mga ulam at pagkain. Name it! Lulutuin ng Lolo Jose mo." Gumaan ang loob ni Rock at nawala saglit ang sakit na ang dahilan kung bakit siya napunta rito.

"Tapos si Muse, pamangkin siya ng gumawa ng Home for the Aged na si Rendal Go. Gusto kasing kumanta ni Muse para saamin kaya tuwing gabi, andito siya nakikipagkulitan sa amin. Kaya ayun. Ang mga kinakanta niya ang mga paborito namin. Pero meron kaming isusuggest sa kanya na kanta para kantahin niya para sa amin pero nakakalimutan ko palagi eh." Napatingin si Rock sa baso niya nang marinig ang naririnig niya mula kay Lolo Romeo.

"But now there's no way to hide."

"Bakit ka pala napunta rito? Hindi ka ba talaga syota ni Music? Kaibigan?" tanong ni Lolo Romeo.

"Since you pushed my love aside."

"Sa totoo lang lolo, 'yung girlfriend ko, nakipagbreak sa akin. Nagtanong ako kay Simon kung saan pwedeng bar at Bargone ang sinabi niya."

"I'm outta my head
hopelessly devoted to you."

"Simon? Ang kuya ni Muse?" tanong ni Lolo at napatango si Rock.

"Hopelessly devoted to you
Hopelessly devoted to you."

Pagkatapos ng kanta ni Muse ay nagsipalakpakan ang mga tao sa bar.

"Tapos galit sa akin si Muse," sabi ni Rock at natawa si Lolo Romeo. "Si Music? Nagagalit? Ang bait kaya ng batang 'yun! Kaya mahal namin 'yun eh!"

"Kasi lolo, inaasar ko siya eh," nahihiyang sagot ni Rock kaya natawa lalo si Lolo Romeo. "Nako. Baka magkadevelopan kayo ah. Tapos kayo magkatuluyan!" asar ni Lolo Romeo.

"Nako Lolo. Ayoko nga." Tumawa rin si Rock at nakita niyang palapit si Music sa kanila.

"Hi mga Lola! Hi Lolo Romeo!" bati niya at napayakap kay Lolo Romeo.

"Anak, upo ka rito." Nakangiti si Music na napaupo at pagharap niya sa kausap ni Lolo Romeo ay nawala ng ngiti niya literal.

Nawala rin ang ngiti ni Rock at kumulo bigla ang dugo nilang dalawa nang makita nila ang isa't isa.

"Kayo ah. Ganyan ba kayo kagalit sa isa't isa. Pustahan parehas kayo ng mga interes, pagkakapareha at taste ng mga bagay," sabi ni Lolo Romeo at tumayo na para iwan silang dalawa.

"I don't think so," sabi ni Muse kaya natawa si Lolo Romeo.

"But I think so," pag-eenglish din ni Lolo. "Teka. Tama ba ang english ko? HAHAHA Bahala na. Pupuntahan ko muna ang bebe ko. Bye mga anak!"

Umalis si Lolo at naiwan sila Music at Rock na magkaharap.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Baka nagshoshopping?" sarcastic na sagot ni Rock kaya nabato ni Music ang isang pirasong mani sa kanya.

Napabuntong hininga si Rock kaya natahimik si Music.

"Bati muna tayo ngayon, Muse. Friends muna tayo ngayong gabi ha?" sabi ni Rock at ininom ang isang bote ng alak.

Napabuntong hininga si Music. Wala na siyang balak na tanungin ang problema ni Rock dahil alam niya ang nangyari kung bakit siya nagkakaganyan.

"Since magkaibigan tayo ngayon, ikaw na ang bahala sa akin kung malasing ako ha?"

Sinamaan siya ng tingin ni Music.

"Tangina mo ah."

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon