059

96 9 1
                                    

 
  
  
Music.

Actually, okay lang talaga sa akin...

... na si Sugarcane ang bida sa musical play. Napakatalented niya. Parang natural lang ang pag-acting niya na nagpapaganda lalo ng performance niya. Iniisip ko lang siya na baka hassle sa kanya ang mga magaganap dahil siya na nga ang director at scriptwriter. Sigurado ako, mapapagod talaga siya.

"Hello po," bati ni Rock nang umupo sa tabi ko at may inabot na papel. Pero hindi lang papel, isa itong script ng musical play.

"What.." Nakangiti lang sa akin si Rock pero ayokong tingnan ang nasa loob. Parang kinakabahan ako.

"Nagulat nga rin ako sa nakita ko," sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

Nasa Music Room kami ngayon at meeting ng musical play. Hinihintay na lang namin si Sugarcane na siyang director.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya at binuksan ang script. Bago pa ako makapagsalita ay nanlaki ang mga mata ko sa nababasa ko.

"Good afternoon." Napunta na ang paningin namin kay Sugarcane na kararating pa lang. Hindi pa rin ako nakakrecover matapos ang nabasa ko sa pangalawang page ng script. Pero napansin kong si Sugarcane na medyo may bumabagabag sa kanya. At iba ang aura niya ngayon.

"Ang matatanggap niyong script ay 'yun ang final. Easy lang ang roles niyo dahil pinag-isipan ko talaga ito." Napatingin ulit ako sa script dahil hindi pa rin masink-in sa akin ang mga nalalaman ko. At sa sinabi niya ay nagtaka ako kung bakit hindi na sila ni Peter ang bida. Tama naman ang pagkarinig ko sa mga Prof na may hawak nitong play.

"Bakit hindi ikaw ang bida Sugarcane? Akala ko ikaw?"

"Huuuh? Bakit iba na?"

"Okay naman. Payag ako pero bakit umayaw ka?"

Halo-halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nababasa ko o malulungkot para kay Sugarcane, madidismaya sa sarili ko dahil baka pumalpak ako.

Napalingon saglit si Sugarcane sa pintuan at kapapasok lang ni Peter kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Sila Music Seagull, Rock Domingo at Bluemoon Morales ang magiging bida. Nasa script din ang ibang characters."

"Oh shit," bulong ko. I mean, okay lang ako kay Rock pero si Bluemoon..

"Ano? Anong sinabi mo, Sugarcane?" Bago pa ako malunod sa iniisip ko ay narinig ko ang galit na boses ni Peter at wala pang isang minuto ay tinumba niya ang upuan doon na ikinagulat naming lahat. Ngayon ko lang nakitang magalit si Peter. At ang pinakamasaklap, nagalit siya sa harapan ni Sugarcane.

"Oh? Bakit ka galit?" tanong ni Sugarcane. Talaga bang sa harap namin sila magsasagutan? Aawat ba ako?

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong ni Peter pero inirapan lang siya ni Sugarcane. "Sugarcane!"

"Bakit ba?! Ano bang problema mo!?" Gusto ko na talaga silang pigilan. Nakakahiyang nagsasagutan sila!

"Sabi mo, okay na tayo ang bida pero bakit mo iniba?! Bakit hindi mo ako pinapansin?!" Bumaba na si Sugarcane sa harapan habang patuloy na sumisigaw si Peter. "Umasa ako!"

"Bukas, babasahin niyo na ang mga lines niyo bago ko iinsert ang mga kanta," patuloy pa ni Sugarcane at nagtama ang paningin namin. Malungkot ko siyang tiningnan, "Andyan na ang summary ng story at kung may tanong, tanong lang kayo sa akin." At naglakad na siya papunta sa isang room ng Music Room kaya hindi na ako nakapagsalita.

Napatitig ulit ako sa script. Shet, totoo ba talaga 'to?

"Music! Bagay sa'yo role ni Valerie!" masayang sabi ng kablock ko kaya binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Oo nga, Music! Pagkabasa ko dati ng draft ni Sugarcane kasi ako namamahala ng make-up, ikaw agad naisip ko!" sabi pa ng kablock ni Sugarcane.

Samutsaring mga feedbacks na natatanggap ko matapos ang meeting.

"Hala! Katabi pa niya si Rhym!" kinikilig na sabi ng isa kaya napatingin ako kay Rock na napapailing.

Puro pagsasalamat ang binibigay ko sa mga natatanggap kong courage at feedbacks. Maya't maya ay sinabi na ng schedule ng mga practices.

Medyo nagtagal pa dahil bumalik pa si Sugarcane para iexplain pa ang ibang detalye. Pero una kong napapansin ang mood niya dahil parang may hindi magandang nangyari pagkatapos siyang sundan ni Peter.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na kami hanggang sa napatalon-talon ako sa harapan ni Rock dahil masaya akong binigay sa akin ang role ng bida.

"Shet!" Napahawak ako sa dibdib ko at napayakap sa script na hawak ko.

"Sasabihin ko 'to kina Mom," masaya kong sabi kay Rock. Nakangiti rin siyang nakikita akong nakangiti pero unti-unting nawala ang ngiti ko at sumeryoso ang tingin sa kanya.

"Bakit?" tanong niya.

"Ikaw kapartner ko?!?!" Nahawak pa ako ng bibig ko at hindi na maipinta ang reaksyon ko sa gulat dahil sa mga narealize ko. Ngayon ko lang narealize!

"Luh? Bakit ganyan reaksyon mo?!?" pasigaw niyang tanong.

"Ewww!"

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon