048

173 13 5
                                    


Music.

Habang tilian ang mga babae na nasa paligid ko ay eto naman ako, nagtataka kung bakit basa ang buhok ni Rock. Halos mahimatay na 'yung katabi ko sa katitili sa tsura ni Rock. Nakaipit ang manggas ng sleeves ng tshirt niya kaya kita ang biceps niya.

Nakasuklay pa paitaas ang basang buhok ni Rock. Hindi natatanggal ang kunot ng noo ko dahil hindi ko magawang sabihan siyang pangit kahit labag sa kalooban ko dahil magkaaway pala kami before at after workshop.

Pero shit ang gwapo niya.

Napalunok ako nang nagsimula nang tumugtog ang kanta at napanganga ako nang
kanta ito ni Shawn Mendes na There's Nothing Holding Me Back.

Pasimpleng sumasayaw si Rock sa intro kaya mas lalo akong napakunot ng noo. May pakagat labi pa 'tong nalaman sa wet look niya!

"I wanna follow where she goes."

Hindi ko na alam kung ano ang istura ko dahil natigilan ako sa kinatatayuan ko ay nanatili ang mga mga bisig ko nakaekis. Ang kaninang sumasayaw niyang katawan ay sumeryoso nang kinanta ang first line. Parang nagseseduce ang bato, mamamia!

"I think about her and
she knows it."

He really looks so damn fine na hindi ko man lang mabawi ang kaninang reaksyon dahil sa sobrang gulat.

"Omg! Ang hot niya!" Paulit-ulit kong naririnig sa katabi ko ang papuri nila kay Rock.

"I wanna let her take control.
'Cause everytime that she
gets close, yeah."

I took a deep breath kahit hindi ako makakurap dahil ayokong may masayang ako kay Rock namoment sa stage.

"She pulls me in enough
to keep me guessing."

Siguro wala pang chorus ay nakakailang reaction na ang naipipinta ng mukha ko dahil ang sexy ng pagkakanta niya. Kung hindi ko 'to kilala sigurado makikiparty ako at titilian ko 'to.

"And maybe I should stop
and start confessing."

Pero hindi. Si Rock pala 'tong may malakas ang trip sa akin.

"Confessing, yeah."

Aba hayop, bumirit pa. Pero kitang kita talaga niya na nag-eenjoy siya sa pagkanta.

"Oh, I've been shaking
I love it when you go crazy."

Hindi ko namalayan na napapangiti ako dahil nag-eenjoy din ako sa pagkanta niya.

"You take all my inhibitions
Baby, there's nothing
holding me back."

Even his small gestures, it's so perfect.

"You take me places that
tear up my reputation
Manipulate my decisions.
Baby, there's nothing
holding me back."

Nag-instrumental at kitang-kita na nag-eenjoy kaming lahat na sumasabay sa galaw niya. Kasali pala 'to sa Sabgwa kaya ang sayaw niya ay sakto lang sa performance niya.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon