022

511 26 1
                                    

    

 

Music.
  

Ugh.

Buti walang ginagawa sa room at ito ako, naglalakad papunta sa mini forest. Marami ang mga tao rito kaya kinabahan ako. Baka may plano 'yung bato na 'yun?

"Muse! Andito ako!"

Mas lalong lumukot ang mukha ko nang marinig ang boses niya. Andoon siya sa kalagitnaan ng mini forest namin at padabog akong lumapit sakanya. Umupo ako sa harapan niya at nakangiti siya habang maayos na nakaupo.

"Kung pinagt-tripan mo ako, gawin mo na,"
sabi ko sa kanya pero parang inipit siya ng langit at impyerno kaya naging lupa siya sa reaksyon niya.

"Ganyan ba talaga pagtingin mo sa akin?" naiinis na nagtatampo niyang tanong sa akin
pagkatapos humiga sa mga bisig niya na
nakapatong sa lamesa.

"Oo."

Mas lalo siyang lumungkot kaya napairap ako.

"Ano ba?"

"Galit ka sa akin?"

"Oo."

Napabuntong hininga siya at nagpacute pa.

Eww.

"Explain mo saakin kung paano malalaman kung nahuhulog ang isang babae sa lalaki?" seryoso siya sa tanong niya kaya may dumaloy na diri sa buong katawan ko.

EWWW?

"Yucks!" tili ko kaya napakamot siya sa batok niya.

"Interview lang. Sagutin mo na lang."

Huminga ako ng malalim. Hindi ako makarelate pero si Bluemoon ang naiisip ko.

"Wala akong masabi."

"Weh? Paano mo namannalaman na gusto mo si Bluemoon?" Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang buong mukha ko dahil sa hiya. Alam niya?! Shet! Hindi ito pwede! Baka malaman ni Bluemoon! No!

"Sino nanamang nagsabi na gusto ko siya?" naiinis kong tanong at hindi ko alam kung nahihiya ako dahil panigurado namumula ako plus nakakunot ang noo ko na napapangiti. Weird.

"Sabi mo sa letter mo. Pero paano ngaaa?" Para siyang bata. No choice. Mag-oopen-up ako sa isang kaaway ko.

"Ganito.." Pagtingin ko sa kanya, nakatitig siya sa malayo. Parang lumambot ang mga tingin niya. Sinundan ko ang tingin niya kung saan
man at nakita ko ang isang babae na nakaupo mag-isa.

"Sino ulit 'yung gusto mo?" bulong ko at siya naman itong namula ang mukha.

"I mean, name niya?" dagdag ko dahil malabo na ang paningin ko nang slight at napasandal nalang siya sa sandalan. Napakagat ako ng labi dahil confirmed! May gusto siya! Sa tingin pa lang niya at tono ng pagsalita niya!

Napaubo bigla ako dahil wasak pala itong gagong 'to.

"Hindi ko masasagot tanong mo through words. But if she feels the way you feel towards her, that's it. I think?" Hindi ko sure na sagot kaya napatingin sa akin. Kung kanina habang tinitingnan niya 'yung babae ay parang nakatingin siya sa isang bulaklak, ngayon na nakatingin siya sa akin na parang tinitignan niya ang bagay na walang buhay.

"Ewan ko sa'yo. Usap na lang tayo maya.
Una na ako." Oh tingnan mo 'to. Nawala sa mood. May binigay siya sa na burger sa akin. "Binili ko. Bye." Bago ako magthank you bigla siyang umalis kaya nagmake-face ako. Walang hiyang lalaking 'yun. 'Di bale, may puso rin pala 'yun. Nag-effort pa na bilhan ako ng burger.

Pagbukas ko ay agad akong kumagat dahil hindi ako nagsnack kanina.

May oras talaga na tumitino 'yung lalaking 'yun.

Nakakailang nguya ako nang makaramdam na may nasusunog sa dila ko.

WTF.

Agad kong sinuka ang kinakain ko sa damuhan at agad kinuha ang bottle ko pero WALANG LAMAN!

"P-Puta ka, Rock.." bulong ko habang humihinga sa bibig ko na parang asong ulol dahil tanginang bato na 'yun nilagyan ng sili ang burger na binigay niya sa akin.

Biglang nakasalubong ko si Bluemoon at napatingin sa akin. Punyeta. Bad timing!!!!

"Okay ka lang?" tanong niya at inabot ang hawak niyang mineral water. Agad
ko iyon kinuha at ininom. Bakit hindi tumunog ang takip? Ininom na ba niya ito?

"Pinapabigay ni Rock."

Bigla kong nailabas ang ininom ko dahil ang asim! PUTANG INA! SUKA ANG LAMAN NITO.

"Wtf. Anong nangyayari, Music?"

Naiyak ako dahil sa kahihiyang nangyayari saakin lalo na nasa harapan ko si Bluemoon! Hindi ko na siya sinagot at tumakbo palayo. KAHIT KAUNTI LANG ANG MGA TAO ROON, NAKAKAHIYA PARIN KASI KAHARAP KO SI BLUEMOON.

DEMONYONG ROCK.

Okay. That's it.

Gaganti ako.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon