029

371 23 12
                                    

  

Music.

  
"Seagull." Hindi ko nilingon si Rock kasi lasing na ata siya. Pero hindi ko siya magawang iwan kasi baka may mangyaringmasama sakanya.  Tao pa rin ako. Binabagabag agad ako ng konsensiya kahit wala pa akong ginagawa.

9PM na at naglalakad kami pauwi.

Napatigil ako sa  isang bench sa ilalim ng streetlight. Napaupo ako at tumingin kay Rock na umupo rin sa kabilang bench. Napabuntong hininga ako habang tumitingin siya sa langit.

Chinat ko si Kuya pero offline siya. Nahihiya akong ichat sila Dad kasi panigurado ay aasarin nila ako na iuuwi ko muna itong bato na 'to kasi hindi sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi sa kanila.

"Seagull, pangit ba ako?" Hindi ko na magawang alisin ang tingin ko sa kanya sa tanong niya. Gusto kong sumagot na oo pero masyado siyang nasasaktan kaya hindi nalang ako nagsalita. Baka magwala eh.

Kitang-kita ko na patuloy na tumutulo ang luha niya. Masakit talaga 'no?

Umiwas ako ng tingin at naalala ko nanaman si Bluemoon. Hanggang kailan ko ba itatago ang nararamdaman ko sa kanya?

"Domingo, pangit ba ako?" tanong ko rin sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang wala sa akin, hindi ko rin alam kung ano ang meron sa akin na hindi ako magawang gustuhin ng isang lalaki.

Aish! Bakit ba lalaki ang pinoproblema ko Siguro okay naman ako sa pamilya ko. Okay ako sa studies ko. 'Yung lovelife lang siguro nakakabother sa pag-iisip ko.

"Oo."

"Ay aba, punyeta ka." Napamura ako. "Ang pangit mo rin, to be honest," dagdag ko kaya natawa siya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Inirapan ko siya at nagulat ako na umupo siya sa harapan ko at nilagay ang bisig niya sa hita ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

Natahimik kami ng isang minuto at wala ako sa sarili ko na sinuklay ang buhok niya at itinaas.

"Napapaisip ka ba na baka tayo talaga ang magkatuluyan?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hinihintay ko na sabihin na niya na pinagtitripan lang niya ako pero hindi. Shet!

"Pwede kitang sampalin ngayon?" tanong ko.

"Hindi pwede."

Pero sinampal ko parin siya.

Hey Rock (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon