4:23PMSimon:
Kapatid, sabay na tayo umuwi
Hintayin mo ko sa dance studio ng Sabgwa
Labyu mwa
"Oh, you're here." Napaangat ang tingin ko kay Martin na naglalakad palapit sa akin."Yes, I'm here," pag-eenglish ko rin kaya natawa siya bago umupo sa lamesa at umiinom ng tubig sa bagong biling bottled water niya.
Nasa dance studio ako nila Kuya ngayon at buti na lang walang tao kanina. Pero si Martin ay andito kaya hindi ako masyadong lonely.
"Kumusta si Pappy?" tanong pa niya pagkatapos takpan ang iniinom niya at napatingin sa akin na nakaupo rin sa lamesa na hindi kalayuan sa kanya.
"Busy sa work pero okay lang siya," sagot ko. Pappy ang tawag niya kay Dad which is okay lang sa akin dahil parang kuya ko na rin si Martin.
"Atlast, gagraduate na," masaya kong pagbabati sa kanya kaya natawa siya.
"Oo nga, matapos pabalik-balik sa 2nd year, tumuloy din kami sa 3rd at 4th." Napakamot siya ng batok.
"Ano palang nangyari?" mabagal na tanong ko kaya napatingin siya sa akin. "I mean, kung okay lang. Kasi nagtataka pa rin ako kung bakit sabay-sabay kayong umulit dati bukod kay Zircon, Bluemoon at Tyrian," nagmamadali kong sabi kaya natawa siya.
"Huwag kang kabahan. Ayos lang na itanong mo 'yun para huwag kang matulad sa amin na mga basag ulo," natatawa niyang sabi. Dati kasi, umulit ang ibang Sabgwa noong 2nd year. Halos lahat sila bukod kay Zircon kasi masyado pa siyang bata. Hindi rin nababanggit nila Mom pero ang alam ko ay may bagsak silang lahat kaya naabutan sila namin ngayon sa college. Nagmumukha tuloy kaming mga magkaedad kahit mga ahead sila sa amin.
"'Di ba, 'yung kuya mo ay naaksidente noong karera niya?" paalala niya at doon ko na naman naalala ang sitwasyon ni Kuya na napapapikit sa sobrang sakit ng natamo niyang injuries noon.
"Hindi 'yun aksidente." Nanlumo ako sa narinig ko dahil hindi ko alam 'yun. Napatingin siya saglit sa reaksyon ko. "Huwag mong sabihin na sinabi ko ha?" Napatango ako at hinihintay na magsalita pa siya.
"Nagalit nang sobra sina Rock at Peter kaya hinanap nila kung sino ang gumalaw ng motor ni Simon at pinagtulungan naming bugbugin." Mukhang naaliw pa siya sa pagkukwento samantala ako, gulat sa nalalaman ko.
"Hindi lahat sumama kasi si Bluemoon, medyong dinamdam ang pagkaalis ni Morning tapos si Tyrian, hindi mahilig makipagbasag ulo. Kaya ayun. Nahabol nila kaming mga pasaway," sabi niya kaya napatango ako. Ngayon, alam ko na.
"Sinong nakatanggap ng letter?" mahina kong tanong kaya natigilan siya.
"Sa'yo galing 'yun?" tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Alam naman ni Bluemoon eh. Ano pa ang point para itago?
"Ang pagkakaalam ko, si Rock nakatanggap." Napalingon ako sa kanya sa nalaman ko. "Pero nilagay niya kay Arch dahil siguro, natakot siya sa magiging reaksyon kung malaman ni Jazz na nakatanggap siya ng letter," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.