7

1.4K 31 7
                                    

ILang araw na rin ang nakakalipas at hindi pa rin umuuwi si Paulo sa bahay nila. Sobrang busy ito dahil sa nangyari tungkol sa minahan nila.

Nakahinga na man siya ng maluwag. Nakabalik na rin ng Manila ang kapatid niya. Sinigurado pa niya na may nakabuntot dito 24 oras.

She needs time to think. Kailangan niyang bilisan ang pagpapabagsak ng pamilya ng asawa niya. Pinag-iinitan na siya ng ama nito at baka manganib na naman ang buhay ng kapatid niya.

Hindi sapat ang tulong ni Paulo. He's not the kind of person you can depend on. He's a selfish bastard.

Napatingin siya sa litrato nilang mag-asawa na naka-frame sa dingding. Napangiti siya ng makita ang nakangiting mukha ng asawa niya. Agad niya rin itong pinawi. Nakalimutan niya na ata kung paano siya pagsamantalahan ng asawa niya 10 years ago. Idagdag pa ang kalapastangan nito noong nagha-honeymoon sila. 

Pumanaog siya at lalabas na muna siya ng bahay para maglakad-lakad.

Nasa likod siya ng bahay ng makita si Tristan na nagsisibak ng kahoy.

"Para saan iyan?" tanong niya dito. 

Nagulat pa ito ng makita siya.

"Ah, ito po ba. Nasabi po kasi ng kapatid niyo na mahilig kayong mag-bonfire. "

Napapalunok siya sa nakikita niya. Tristan is indeed very attractive. Lean and muscular. Is he even married or does he have a girlfriend?

"Ah," sambit niya. "Sa-salamat." nauutal na wika niya sabay ibinaling sa mga kahoy ang tingin. Nahuli ata siya nito na nakatingin siya dito.

Dali-dali siyang pumasok ng bahay dahil nahihiya siya dito.

Napabuntong hininga siya at naligo na lang muna.

Ilang minuto lang ang nakakalipas at biglang bumukas ang pintuan at nanlaki ang mga mata niya. Napasigaw pa siya bago hablutin ang buhok niya ng lalaking pumasok sa pamamahay niya at sa kwarto niya ng walang paalam.

"Kaya naman pala baliw na baliw sa iyo ang anak ko. Ba't di ko napansin na ganito na pala kaganda ang katawan mo." wika nito habang tumatawa at hinihimas ang mga binti niya.

"Sir Silva. Anong ginagawa niyo? Tulong." sigaw niya. 

He pushed her on the floor at agad na pumatong dito.

"Walang makakarinig sa iyo at kahit na marinig man nila ang mga sigaw mo ay di ka nila tutulungan. You've forgotten hija. I am Silva Crisostomo. I get what I want, even my son's wife." wika nito habang nakahawak sa panga niya at siniil siya ng halik.

Tila masusuka siya sa ginawa nito kaya't ubod ng lakas na sinipa niya ito.

"Tulong." sigaw niya ulit at dali-daling lumabas ng kwarto niya.

Nakita niya ang tumatakbong si Tristan paakyat ng hagdanan.

"Tristan. Tulong." sigaw  pa niya atnapasubsob pa siya ng hilahin siya papasok ulit sa kwarto. "Tristan!" mangiyak-ngiyak na sigaw niya.

She scratched the old man's face at napasigaw ito sa sakit ng ginawa niya. Agad naman siya nitong sinampal.

Mag-ama nga talaga ang asawa niya at ang matandang hukluban na nakapatong sa kanya.

"Tristan. Pau-- somebody." she whispered. Napagod na siya sa kakasigaw at mawawalan na siya ng malay dahil sa pananampal sa kanya ng matanda.

Her eyes were closed ng maramdaman niyang hindi na ito nakadagan sa kanya. Kahit na nahihilo ay sinubukan niyang umupo.

Tempt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon