Medyo masakti ang ulo niya ng magising siya dahil sa ininom niya kagabi. Pero kahit na medyo lasing ay naalala niya ang mga nangyari kagabi.
Dali-dali siyang naligo at agad na nagpunta sa kusina. Maaga pa kaya't sigurado siya na nasa bahay pa rin ito at nag-aagahan.
"Good morning!" bati niya dito. Nakatayo ito sa kusina at nagtitimpla ng kape.
"Good morning!" bati nito sabay ngiti sa kanya. "Do you want coffee?" tanong nito sa kanya.
Tumango siya sabay upo.
"Asan sila manang?" tanong niya ng mapansin na wala ang mga kasambahay nila.
"Pinauwi ko na muna." tugon nito.
"Ganon ba?" hindi niya alam kung bakit nito pinauwi ang mga kasambahay ngunit di na siya nagtanong.
"Anong oras ka pupunta ng opisina?" tanong niya at iniabot nito ang tasa ng kape sa kanya. "Salamat."
"Di muna ako papasok." tugon nito at naupo sa tabi niya.
Hindi pa nga niya alam kung bakit ito di papasok ay nakadama na siya ng kilig.
Tumahimik lang sila dalawa.
"About last night." pagsisimula nito.
BIgla naman siyang kinabahan.
"Jasmine, you don't know me yet. May mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin sa iyo. At natatakot ako na baka masaktan ka, dahil pag nagkataon na malaman mo ang mga bagay na iyon ay baka,-- " bumuntong hininga ito "natatakot ako na masira kung ano man ang meron tayo ngayon."
"You got baggages and I have mine. Pwede naman siguro nating i-enjoy muna to ngayon. And it was just a kiss." wika niya sabay tingin sa napakgwapong mukha ng lalaki na katabi niya.
"You know that I pretty much watched you grow up right? Since you were 16, I have followed you." wika nito.
Tumango ulit siya sabay inom ng kape.
"I was once engaged to a very lovely and nice woman. Sa States siya namalagi ng mga ilang taon. At napagdesisyunan niyang umuwi na dito. She's very sick and I told her that she can stay with us."
Engaged? Parang sinakluban siya ng langit at lupa. He loved someone else other than her. She bit her lip para lang magising siya sa katinuan. What was she expecting? Raphael is a very good looking man. He can fall in love to whoever he wants to. Kahit siya ay legal na may asawa pa rin.
"Siya ba iyong nasa picture sa kwarto mo?"
Tumango ito. At nanlalamig naman ako. Ang bigat sa pakiramdam.
Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Napatitig naman siya sa kulay abo na mga mata nito.
"Kelan ang dating niya?" tila nanginginig ang boses niya.
"Bukas."
Mas lalong bumigat ang puso niya.
Tumango na lamang siya at iniwas ang tingin sa lalaki.
Tumayo ito at tumayo sa likuran ng upuan niya.
"Nagseselos ka ba?"
"H-hindi." tugon niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa tasa ng kape.
Narinig niya pa ang marahang tawa nito.
Napasinghap siya ng hawakan nito ang balikat niya at dahan-dahan itong hinagod. Napapapikit ang mga mata niya dahil tila may kuryenteng dala ang bawat haplos nito.
BINABASA MO ANG
Tempt Me
RomanceWARNING: R18 po ito. Erotic-ROmance Everybody thinks he's dead. He's not dead, he's back for vengeance on those who stole everything from him. She was 10 when a family adopted her. She was happy and thought it's forever. But a horrible tragedy happe...