9

1.2K 28 2
                                    

"Hanggang kailan tayo dito sa isla?" tanong niya dito.

"Gusto mo na bang bumalik sa asawa mo?"

"He was never a husband to me. He was my captor." malungkot na niya. "Nag-aalala lang ako sa k-kanya."

"I can't let you go back there." tugon nito. "Sa bahay na kayo ni Emmanuel tutuloy."

Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. 

"Talaga?"

Tumango ito.

Napapangiti na lamang siya. Kung panaginip lamang ang mga nangyayari ay ayaw na niyang magising. Sobrang puno ng kasiyahan ang puso niya. Pakiramdam niya ay hindi niya na karga ang bigat ng buong mundo sa balikat niya.

May kasama na siya. Her knight in shining armor has arrived and she more than thankful.

"Kuya? Paano ka nakaligtas?" tanong niya dito habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"A friend saved me."

"Kaibigan mo?"

"Sa college na pinapasukan ko. He's been planning to visit us. But when he got there, nakaalis na kayo ni Emmanuel, everyone was dead except me and I was barely holding on to life." tugon nito sabay buntong hininga. "He called his dad. At dahil mayayaman ang mga ito, nakakuha sila ng katawan sa morge at iyon ang ipinalit nila sa akin."

"Kaya ba nila sinunog ang bahay para di mahalata na hindi ikaw iyong bangkay?" buti na lamang at hindi nasunog ang kabuuan ng bahay. At kaya pala ang bangkay lang ng lalaki ang nasunog.

Tumango ito. "They had to do it fast. Baka kasi bumalik iyong mga tauhan ni Silva." nakita niya ang pagyugoyog ng mga balikat nito. "Ang daming dugo Jasmine. Sina mama at papa, sina Raul at ang kambal. Sa sobrang kalituhan ko nong gabing iyon ay halos wala akong maalala ng magising ako. At nong bumalik naman ang mga alaala ko ay hiniling ko na makalimot ulit. It was a nightmare na hanggang ngayon ay hindi ko kayang makalimutan."

"I'm sorry kuya!" wika niya at niyakap ito at yumakap ito pabalik. 

"Ako dapat ang humingi ng sorry. You've been through a lot para lang protektahan si Emmanuel."

"You'd do it for me."



Masaya silang nagkukwentuhan habang naghahapunan.

"Siyanga pala kuya. Lalaki ba iyong mga kaibigan mo at ganitong damit lang ang alam nila?" tanong niya dito sabay hila sa bestida niya.

"THey're a couple. They're engaged."

"Kaya pala." napatangong sambit niya. "Hmmmm. Kung hindi lang kita kilala ay baka inisip ko na na may gusto ka sa akin kaya't ganitong damit ang ipinapasuot nila sa akin."

"Kumain ka na diyan." 

Napatawa naman siya dahil tila nabahala ang lalaki.

"Nagagandahan ka sa akin no?" pagbibiro niya ulit dito.

Muntik na itong mabilaukan. "Jasmine, tigilan mo ako. Ba't naman ako magkakagusto sa iyo? You're like a sister to me."

"Sister daw, eh kung makatingin ka sa akin kagabi ay parang hinuhubaran mo na ako." pagbibiro ulit nito. "And like a sister lang pala ha." 

Napatitig ito sa kanya. "You're imagining things."napangiti na rin ito.

"Ang gwapo mo pa rin kuya." mahinang sambit niya at nagkatinginan silang dalawa.

Tempt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon